PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former Bb. Pilipinas titleholders, muling nasilayan ng publiko

Lisa Manibog at Pebbles Asis, dumalo sa Binibining Pilipinas 2024.
by Jojo Gabinete
Published Jul 9, 2024
binibining pilipinas then and now
Former Bb. Pilipinas titleholders then and now: (from left) Bb. Pilipinas-International 192 Lisa Manibog, Bb. Pilipinas-Universe 197 Pebbles Asis, Bb. Pilipinas-World 1997 Daisy Reyes, and Bb. Pilipinas-International 2015 Janicel Lubina.
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook / YouTube

Umuwi ng Pilipinas mula sa Amerika ang Bb. Pilipinas-International titleholders na sina Lisa Manibog at Janicel Lubina para dumalo sa Binibining Pilipinas 2024 na ginanap sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City, noong Linggo, Hulyo 7, 2024.

Read: Binibining Pilipinas 2024 sidelights: sino ang mga agaw-eksena at missing in action?

Si Lisa ang nanalong Bb. Pilipinas-International noong 1982, at si Janicel naman ang kinoronahan ng parehong titulo noong 2015

LISA MANIBOG

Isa nang Emmy award-winning producer si Lisa dahil sila ng kanyang asawang si Peter Brennan ang producers ng ilan sa sikat na U.S. television programs tulad ng Judge Judy.

lisa manibog then and now
Bb. Pilipinas-International 1992 Lisa Manibog: Then and now
Photo/s: Binibining Pilipinas Archive / YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naging artista sa Pilipinas si Lisa, pero ang apelyido niya ang ginamit na screen name ng '80s sexy star na si Myra Manibog.

Mirinda Manibog ang orihinal na screen name ni Myra dahil kabilang siya sa mga Softdrink Beauties na alaga noon ng namayapang talent manager na si Dr. Rey dela Cruz.

Pero sinabi ng direktor na si Celso Ad Castillo (September 12, 1943 – November 26, 2012) na palitan niya ang kanyang pangalan kaya naging Myra Manibog siya.

myra manibog before and after
Myra Manibog: Then and now
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JANICEL LUBINA

Inspirasyon naman sa marami ang kuwento ng buhay ni Janicel na namasukang kasambahay at nakaranas ng maraming pagsubok bago natupad ang pangarap niyang maging beauty queen.

Read: Binibining Pilipinas, nagbigay-pugay sa mga pumanaw na titleholders

janicel lubina then and now
Bb. Pilipinas-International 2015 Janicel Lubina: Then and now
Photo/s: Binibining Pilipinas Facebook / YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

PEBBLES ASIS

Sa bihirang pagkakataon, muling nasilayan ng publiko sa diamond jubilee ng Binibining Pilipinas si Bb. Pilipinas-Universe 1987 Geraldine "Pebbles" Asis.

Top 10 finisher si Pebbles sa Miss Universe 1987 na ginanap sa Singapore noong May 27, 1987.

geraldine pebbles asis
Bb. Pilipinas-Universe 1987 Geraldine "Pebbles" Asis: Then and now
Photo/s: Binibining Pilipinas Facebook / YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang pelikula ang ginawa niya.

Si Pebbles ang leading lady ni Dolphy sa Action is Not Missing, na official entry sa Metro Manila Film Festival 1987.

action is not missing poster

Nagkaroon naman siya ng special participation sa Nandito Ako, ang pelikula nina Phillip Salvador at Kris Aquino na ipinalabas sa mga sinehan noong Mayo 1994.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sikat na fashion mode nool si Pebbles. Naging karelasyon niya ang equally top model na si Michael Alfers na pumasok din sa showbiz, gamit ang screen name na Franco Madrigal, at nagbida sa mga sexy movie.

Read: Who is Binibining Pilipinas International 2024 Myrna Esguerra?

DAISY REYES

Gaya ni Pebbles, nag-artista rin si Daisy Reyes, ang Bb. Pilipinas-World 1996 titleholder noong 1996.

Itinanghal siyang Miss Personality sa Miss World 1996 na idinaos sa India.

daisy reyes then and now
Bb. Pilipinas-World 1996 Daisy Reyes: Then and now
Photo/s: Binibining Pilipinas Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam kay Daisy sa red carpet ng 60th Binibining Pilipinas, sinabi nitong ang hindi niya malilimutang karanasan ay nang nawala ang kanyang sapatos sa mismong coronation night ng Binibining Pilipinas 1996.

Pero siya pa rin ang nanalo sa best in evening gown competition.

May mas matinding pagsubok na pinagdaanan noon si Daisy na maaaring hindi na niya naaalaala dahil sa matagal na nakalipas na panahon.

Isa si Daisy sa mga kontrobersiyal na kandidata ng Binibining Pilipinas 1996 dahil sa mga paratang na nagtrabaho siya sa Japan bilang “Japayuki.”

Ito ang dahilan kaya muntik na siyang ma-dethrone noon bilang Bb. Pilipinas-World 1996.

Malaki ang utang na loob ni Daisy sa mga kapwa niya beauty queen na sina Bb. Pilipinas-Universe 1993 Dindi Gallardo at Miss International 1979 Melanie Marquez. Ang dalawa ang nanguna sa panawagang huwag bawiin ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI, ang organizer ng Binibining Pilipinas) ang kanyang korona at titulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama nina Dindi at Melanie ang ibang beauty queens nang magtipon-tipon at nag-usap sila sa Seafood restaurant sa Cubao, Quezon City, para sa petisyon nila sa BPCI na huwag tanggalan ng korona si Daisy.

Maingay na maingay noon ang isyung kinasasangkutan ni Daisy.

Nakuha nito ang simpatiya ng publiko at tinulungan siya ng kababayan niya sa Taguig City na si Atty. Rene Cayetano (December 12, 1934 – June 25, 2003) kaya hindi natuloy ang pagbawi ng BPCI sa kanyang korona.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Bb. Pilipinas titleholders then and now: (from left) Bb. Pilipinas-International 192 Lisa Manibog, Bb. Pilipinas-Universe 197 Pebbles Asis, Bb. Pilipinas-World 1997 Daisy Reyes, and Bb. Pilipinas-International 2015 Janicel Lubina.
PHOTO/S: Binibining Pilipinas Facebook / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results