“The characters, names and events depicted in this show are entirely fictitious. Any similarity to real names or incidents is entirely coincidental.”
Ito ang disclaimer o pagtangging nakasaad at mababasa sa umpisa ng bawat kabanata ng Abot-Kamay na Pangarap, ang top-rating afternoon drama series ng GMA-7.
Read: Role ni Gladys Reyes sa AKNP, inspired kay Alice Guo?

Ito ang puwedeng gamiting dahilan at paliwanag ng mga bumubuo sa programa laban sa mga paratang ng manonood na halaw mula sa tunay na kuwento ng buhay ng kontrobersiyal na mayor ng Bamban, Tarlac, na si Alice Guo ang bagong karakter na ginagampanan ni Pinky Amador— si Morgana Go.
Lumitaw ang karakter ni Morgana sa ika-567 kabanata ng top-rating Kapuso drama series noong Huwebes, Hulyo 4, 2024.
Read: Abot-Kamay Na Pangarap at Lilet Matias, consistent ang double-digit ratings

MORGANA GO INSPIRED BY ALICE GUO
Nabulabog ang mga manonood dahil hindi maitatangging si Alice Guo ang inspirasyon ng sumulat ng kuwento ng karakter ni Morgana Go.

Ang cheongsam, ang tradisyonal na damit ng mga kababaihang Instik, ang suot ni Morgana sa unang eksena nito sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa pamamagitan ng make-up, pinagmukhang singkit ang kanyang mga mata na malinaw na panggagaya kay Guo — na nanindigang Pilipino siya at lumaki sa farm pero walang natatandaan tungkol sa kanyang nakaraan.
Sa kuwento ng Abot-Kamay na Pangarap, naniniwala ang ibang mga tauhan na iisang tao lamang si Morganna at si Moira Rutaquio — ang kontrabida character ni Pinky na pinaniniwalaang namatay na.
Sumusumpa si Morgana na hindi siya si Moira.
THE INTERROGATION OF MORGANA GO
Sa isang eksena, ipinakita si Morgana na iniimbestigahan ng mga karakter nina Richard Yap, Chuckie Dreyfus, Che Ramos, at Dina Bonnevie tungkol sa kanyang kabataan.

“Ang maalaala ko lang, lumaki kasi ako sa farm. Kasama ko yung papa ko at hindi naging madali yung buhay namin.
“Wala akong maalaala, your honor,” sagot ni Morganna sa tanong sa kanya ni Robert Jose [Richard].
Nang sabihan siyang hindi nakikipagbiruan ang mga kausap niya, ito ang sagot ni Morgana: “Kayo naman, masyado naman kayong seryoso. Pinapa-lighten ko lang yung usapan.
“Wala akong masyadong maalaala kasi bata pa ako noon...
“Hindi po ako sa pangkaraniwan na paaralan nag-aral. Home-schooled po ako..."
Tinanong din siya kung sino ang nagturo sa kanya.
Sagot ni Morgana, "Hindi ko na po maalaala, e. Basta ang naalaala ko, tinuruan ako ni Teacher Juvilyn.”
Tawang-tawa ang mga sumusubaybay sa Abot-Kamay Na Pangarap na kumbinsidong-kumbinsidong kinopya sa katauhan at mga linya ni Guo ang karakter ni Morgana.
Ito ang ilan sa mga komento ng nakapanood sa nasabing eksena:



Pero sa kabila ng kanilang maaanghang na salita at reaksiyon, lalong napukaw ang interes ng mga manonood kaya patuloy sila sa panonood sa top-rating drama series ng Kapuso Network.
Halos dalawang taon nang namamayapag sa telebisyon ang Abot-Kamay Na Pangarap, at inaasahang magwawakas na ito sa Setyembre 2024.