May dapat bang ikabahala ang closeted gay actors na nakarelasyon ni Zuher Bautista dahil sa pagsali nito sa Season 2 ng Sparks Camp?
Ang Sparks Camp ang dating reality show para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Nag-umpisa itong mapanood sa YouTube channel ng Black Sheep Productions, isa sa mga subsidiary ng ABS-CBN Corporations, noong Hunyo 26, 2024.
Read: Mela Habijan on Sparks Camp campers: "Mayroong NBSB, mayroon namang jaded na sa pag-ibig."
Si Zuher ang 37-year-old half-Iraqi, half-Filipino commercial model, at aspiring actor na isa sa walong campers ng Sparks Camp.
Ang The Watchers, Papa What is Love 2, Toreros, at Unrestricted ang ilan sa Boys Love series projects ni Zuher bago ito sumali sa Sparks Camp.
Ginamit niyang instrumento ang Sparks Camp para ipaalam sa lahat na miyembro siya ng LGBTQIA+ community.
Halos hindi na mabilang ang TV commercials na ginawa ni Zuher noong in-demand model pa siya hanggang subukan niya ang pag-arte tulad ng kanyang mga kaibigang artista.
Sa unang episode ng Sparks Camp Season 2, ipinakilala ni Zuher ang sarili bilang isang “inspiring actor.”

“I am from Pasig. I am a commercial model and a print ad model.Also an inspiring actor.
“Sabi nila, I am super friendly, understanding, caring, and sweet. Ang last relationship ko, five years ago.
"Sumali ako ng Sparks Camp kasi, hopeless romantic din ako.
“Second, gusto ko na talagang mag-out!"
Bukod sa paglalantad sa tunay na pagkatao, ipinakita ni Zuher ang mga tattoo sa katawan nito, partikular ang freedom tattoo na pinakahuli at paborito niya dahil sa kalayaang nakamit buhat nang aminin niya sa publiko na gay siya.
ZUHER ON SECRET RELATIONSHIPS
Sa isang bahagi ng unang kabanata ng Sparks Camp, ipinagtapat ni Zuher na celebrities ang karamihan sa kanyang mga naging date pero patago ito.
Parang kumpirmasyon na rin ito sa napabalita noong inililihim na relasyon nila ng isang aktor.
“Ilang beses na kasi akong naka-experience ng relationship na itinatago,” rebelasyon ni Zuher.
“Mutual decision naman siya kasi parehong work and hindi kami parehong out.
"Pero since pumasok ako ng BL world, nung gumagawa na ako ng mga Boys Love series, mga BL, required kami ng management ng production na mag-post ako ng ka-loveteam ko ng mga sweet na pampakilig sa social media, especially sa TikTok.
“So, iniisip ko, 'What if yung kasama ko sa posting totoong partner ko?' Kaya ito yung isang reason kung bakit ako sumali ng Sparks Camp para mag-totally out na.
“Ito yung certified coming-out series ko. And I’m hoping sa next post ko na nakakakilig, totoong partner na yung kasama ko.”
Noong aktibo pa si Zuher bilang commercial at print ad model, naging mainit na usapan ang pagkakaroon niya diumano ng relasyon sa aktor na mas bata sa kanya ng ilang taon.
Kasalukuyang napapanood sa isang TV series ang aktor na naugnay kay Zuher na pinatotohanan ng kanilang malalapit na kaibigan.
ZUHER BAUTISTA ADDRESSES PAST DRUG ISSUE
Ang pangalan ng aktor ang isa sa mga nabanggit noong nasangkot si Zuher sa kaso ng pagbebenta ng party drugs kaya inaresto siya noong Nobyembre 2018.
Read: Sikat na commercial model, dinakip matapos mahulihan diumano ng party drugs
Ilang araw bago ang pilot airing date ng Sparks Camp 2, naglabas ng pahayag si Zuher sa X (dating Twitter), noong Hunyo 14, 2024, tungkol sa kasong kinasangkutan bilang pagtatanggol sa sarili at pagtutuwid sa maling paniniwala ng publiko.
Pahayag niya: “With all the noise on Twitter, I just want to clear things up. Back on November 5, 2018, my birthday, I was arrested or held for 72 hours for a crime I didn’t commit.
“They did a drug test on me and two others, and we all tested negative for Benzos, Meth, THC and MDMA [Ecstacy]. Despite this, I was dragged into a long legal battle.
“On October 19, 2022, the court found me innocent of all charges and acquitted me.With this acquittal, I am cleared of ANY criminal record.
“This experience scarred me for life. Naapektuhan din nang sobra ang pamilya ko. It changed our lives forever. It taught me that punishing and judging people without proper evidence only spreads harm and misinformation and could also hurt those who might need help.
“There is more to a person than the labels placed on us. Lahat tayo may kuwento, may nakaraan at mga karanasang bumuo sa atin.
“I hope my journey encourages people to see beyond headlines and rumors and understand the real, complex, individuals behind them.
“Also, let’s be kinder online. Cyberbullying is frowned upon by laws and any unfounded accusations about anyone can be dealt with legally. So I hope people approach issues with prudence, empathy, probity and responsibility. Salamat and ingat!"