Ang romantic-comedy movie na A Family Affair, na pinagbibidahan nina Nicole Kidman, Joey King, at Zac Efron, ang kasalukuyang nangunguna sa listahan ng Top 10 movies ng Netflix Philippines.
“Motherf---er” ang orihinal na pamagat ng A Family Affair.
Pero sa panayam kina Nicole at Zac, isiniwalat nilang pinalitan ang titulo ng kanilang pelikula dahil hindi ito “pang-Netflix.”
Read: Hollywood star Zac Efron serves as photographer for vlogger couple Wil Dasovich, Alodia Gosiengfiao
Ang A Family Affair ay tungkol sa isang aktor na bilib na bilib sa sarili na umibig sa nanay ng kanyang executive assistant.

Ito ang ikalawang proyektong pinagsamahan nina Zac at Nicole.
Una silang nagsama sa The Paperboy, ang crime-drama film na ipinalabas sa mga sinehan noong October 2012.
Ibang-iba pa ang mukha ni Zac nang magbida sila ni Nicole sa The Paperboy kaya malaking isyu para sa mga nanood ng A Family Affair ang hitsura niya sa kasalukuyan.
Read: Zac Efron reveals embarrassing moment on the set of his new movie

DID ZAC EFRON UNDERGO PLASTIC SURGERY?
Matagal nang haka-hakang may kinalaman ang plastic surgery sa pagbabago ng dating maaamong mukha ni Zac.
Pero itinanggi ng aktor ang mga espekulasyon.
Sa panayam ng Men’s Health noong Setyembre 2022, ipinagtapat ni Zac na nasira ang kanyang panga nang tumama ito sa kanto ng isang granite fountain na dahilan para magbago ang hitsura niya.
Nakasaad sa bahagi ng artikulo ng Men’s Health tungkol kay Zac: “He’d been running through his house in socks and slipped, smacking his chin against the granite corner of a fountain. He lost consciousness, and when he woke up, he recalls, his chin bone was hanging off his face."
Sa isang eksena ng A Family Affair, pinag-usapan ng mga karakter na ginampanan nina Nicole (Brook) at Zac (Chris) ang aksidenteng nangyari kay Chris kaya inoperahan ito sa kanyang baba—isang karanasan ni Zac sa tunay na buhay.
“I did have surgery though. I fell on set, some broken glass,” rebelasyon ni Chris kay Brook sa eksena ng A Family Affair bago niya ipinakita ang peklat sa kanyang baba..
Nag-iba ang mukha ni Zac matapos ang aksidenteng nangyari sa kanya noong 2013.
Halos naging kahawig na niya ang Baywatch star na si David Hasselhoff.
Ang Baywatch ang TV series na napanood mula 1989 hanggang 2000. Coincidentally, isa si Zac sa mga bida ng movie version ng Baywatch noong 2017.
