Lingid sa kaalaman ni Arnold Clavio, may mga napaluha nang aminin niya sa national television ang pagiging makasalanan at sa kabila nang lahat, hindi siya pinabayaan ng Panginoong Diyos.
Naganap ang pag-amin ni Arnold sa ekslusibong panayam sa kanya ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho na napanood ngayong Linggo ng gabi, Hunyo 30, 2024 sa GMA-7.

Nagkaroon si Arnold ng hemorrhagic stroke noong Hunyo 11 na dahilan para maratay siya sa ospital at pansamantalang hindi mapanood sa kanyang mga programa sa Kapuso Network.
Parang hinaplos ng Panginoon ang puso ng manonood ng KMJS dahil sa mga salita na binitiwan ni Arnold na, “Hindi Niya talaga ako pinabayaan.
“Makasalanan ako tapos sa oras ng kagipitan, nandoon pa rin Siya.
“Walang tanong. Niyakap ka, niligtas ka. Wala na akong hihilingin, okay na ako doon. Talagang puro papuri sa kanya. Walang ibang may dahilan nito kundi Siya.”
READ:
Arnold Clavio reveals slight bleeding in brain after stroke
Arnold Clavio recovering from hemorrhagic stroke
ARNOLD ADMITS STRONGER FAITH IN GOD AFTER HEALTH ORDEAL
Tanggap ni Arnold na may mga pagbabago sa kanyang pisikal na pangangatawan na epekto ng hemorrhagic stroke pero lalo lamang itong nagpatatag sa pananampalataya niya sa Poong Maykapal.
“Nagpakumbaba ako na hindi na ito yung dati, na-damage na e, pero binigyan naman ako ng pag-asa na maibabalik siya. Depende sa disiplina mo at pagpupursige, so tuluy-tuloy lang ako.
“Binuhay nga Niya ako. Ang tanong ko pa, hindi yung bakit ako? Ang tanong ko ‘ano pa ang gagawin ko for your glory?’
“Yung sinasabi nina doktor na mag-ingat ka sa second attack. Siyempre, nandun tayo sa pag-iingat pero kung sakali mang panibagong pagsubok iyon, pasalamat pa rin ako sa blessings na naidulot nun. At least naranasan ko yung pag-ibig Niya noong nanganganib ako,” ang lahad ni Arnold na hindi kinuwestyon ang Diyos tungkol sa nangyari sa kanya.
Nang itanong ni Jessica ang tingin niya sa buhay ngayon, sumagot si Arnold ng “Ay sarap. Masarap talaga. Binigyan na Niya ako ng panibagong buhay, ano ba naman yung panibagong araw? Thy will be done.
“Wala na akong mahihiling kaya kung ano man yung mangyari, handa na rin ako.”
Ang karamdaman ni Arnold ang nagpabago nang malaki sa kanyang mga pananaw sa buhay at ito ang ikinuwento niya kay Jessica.
Aniya, “Actually nung dumating na sa point na parang fulfilled na tayo, successful na tayo sa GMA. Nandoon na ako sa puntong enjoy na lang ako.
“Malaki ang naitulong nung mga naging disposisyon ko sa buhay lately, sa health at saka sa discipline. Lalo na yung pananaw ko sa buhay.”
ARNOLD SHARES HEARTWARMING TESTIMONY
Ipinagtapat ni Arnold sa host ng KMJS na tatlong kaaway niya ang nangumusta nang malaman nila ang nangyari sa kanya na isang patunay at testimonya na may likas na taglay na kabutihan ang lahat ng mga tao.
“Alam mo ba Ma’am Jess, tatlong kaaway ko ang nag-text sa akin para kumustahin ako. Ang laking bagay noon. Biro mo, akala ko habambuhay na kaming walang communication?
“Sabi ko, salamat. Yung pagpapatawad, mas magiging madali. Lalo na yung pagmamahal, mas magiging madali. Uunahin mo na kasi yung iba kesa yung sarili mo.
“Siyempre, nangyari na sa iyo. Naranasan mo na, ayaw mo naman na mapahamak din sila. So yun ang parang magiging papel ko sa mundong ito.”
READ:
Arnold Clavio begins therapy after hemorrhagic stroke
Mukbang vlogger passes away from hemorrhagic stroke