Ang gabi ng koronasyon ng Mr. Gay World Philippines 2024 noong Sabado, Hunyo 29, 2024 sa Samsung Theater ng SM Aura sa Taguig City ang isa sa mga huling okasyon na naganap sa pagtatapos ng Pride Month ngayong Linggo, Hunyo 30.
BENCH ORTIZ TO COMPETE IN GREAT BRITAIN ON AUGUST 26
Ang fitness professional, licensed nutrionist at part-time actor na si Bench Ortiz ng Pangasinan ang nagwagi na Mr. Gay World Philippines 2024 at siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Mr. Gay World 2024 na idaraos sa Great Britain sa Agosto 26, 2024.
READ:
Isa sa 11 nasangkot sa Dacera case, nanalong Mr. Gay World Philippines 2023
Mr. Gay World 2021 winner nagbitiw sa puwesto; Joel Rey Carcasona ng Pilipinas, posibleng pumalit

Hindi lamang ang korona ng Mr. Gay World Philippines ang napanalunan ni Ortiz dahil siya rin ang tumanggap ng Best in National costume award.

BENCH ORTIZ'S PAST SHOWBIZ PROJECTS
Ang Maalaala Mo Kaya at Mano Po Legacy: The Flower Sisters ang dalawa sa mga television guesting ni Bench at 35 anyos ito nang sumali siya noong 2023 sa Vortas V contest ng Eat Bulaga! sa TV5.
Malaking hamon para kay Ortiz ang nalalapit na paglahok niya sa Mr. Gay World dahil apat na Pilipino na ang nanalo ng nabanggit na titulo: si John Raspado (2017), John Jeffrey Carlos (2019), Leonard Kodie Macayan (2020) at Joel Rey Carcasona (2021).
First runner-up sa Mr. Gay World Philippines 2024 ang celebrity hairstylist at make-up artist na si Lourd Ryan Ramos ng Makati City na isa sa mga finalist noong 2022 sa Century Tuna Superbods.

Hindi man niya naiuwi ang pinapangarap na titulo, pinag-usapan at hinangaan ang pasarela walk na ipinamalas ni Ramos sa swimwear competition ng Mr. Gay World Philippines 2024.
Nagmula naman sa Malabon City si Mark Bacongan, ang second runner-up at sa kanyang X post ngayong Linggo, ipinahayag niya na “Hindi tayo magtatapos sa pagiging alter. And to those people like me na takot sa judgment, it’s about time to break the boundaries from people like us to the others.
“Kahit naging alter ka basta may pangarap ka, abutin mo kahit ano pa ang sasabihin nila o ng mundo. Mahalaga, mabuti kang tao.”
READ:
Joel Rey Carcasona, opisyal na ang pagiging Mr. Gay World 2021
Janjep Carlos vows to do a Catriona Gray to win Mr. Gay World title