PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryza Cenon, nanibago sa wig pagkatapos magpakalbo

Bagong pelikula ni Ryza Cenon, balak isali sa MMFF 2024.
by Jojo Gabinete
Published Jun 23, 2024
ryza cenon bald and with wig
Ryza Cenon: "Mas nanibago ako every time na magsusuot ako ng wig. Parang ang feeling ko, hindi ako sanay na may buhok. Feeling ko, mas bagay sa akin ang walang buhok."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / YouTube

Kasama ni Ryza Cenon ang kanyang partner na si Miguel Cruz at ang kanilang anak na si Night nang magpakalbo ang aktres sa isang salon.

Napagpakalbo si Ryza para sa karakter na ginagampanan niya sa Lilim, ang horror movie ng Studio Viva na pinagbibidahan nila ni Heaven Peralejo.

Read: Ryza Cenon, boluntaryong nagpakalbo para sa pelikula

ryza cenon son night
Ryza Cenon with son Night when she shaved her head for her role in the upcoming movie Lilim.
Photo/s: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biglaan ang pagpapakalbo ni Ryza dahil hindi nito inaasahang kailangan nang kunan ang eksenang ipakikitang walang buhok ang katauhan ni Sister Helena, ang pangalan ng madre na binibigyang-buhay niya sa Lilim.

Kuwento ni Ryza sa Cabinet Files, “A day before the shoot kasi hindi ko alam na yun ang schedule na makikitang kalbo ako.

"Balak ko sana, if kita na yung head ko, saka pa lang ako magpapakalbo. Kaya lang biglaan, nagbigay sila ng breakdown ng mga eksena.

“So, closed na yung salon, pinabuksan ko para magpakalbo lang. Hinabol ko po talaga.”

ryza cenon shaves her head
Ryza Cenon shaves her head for her role as a nun in the movie Lilim.
Photo/s: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RYZA CENON UNCOMFORTABLE WEARING WIG

Walang paninibagong naramdaman si Ryza nang magpakalbo ito pero hindi siya komportable sa wig na ginagamit niya, kahit gawa ito mula sa tunay na buhok ng tao.

“Mas nanibago ako every time na magsusuot ako ng wig. Parang ang feeling ko, hindi ako sanay na may buhok. Feeling ko, mas bagay sa akin ang walang buhok.

“Kapag lumalabas, effort po siya. Binigyan ako ng salon ng human hair wig kasi hindi pa ako puwedeng makitang kalbo.

“So, every time na lalabas ako, nagwi-wig ako. Minsan, may concern pa ako kasi lagi kong kasama yung anak ko.

“Paano kung hilahin ito ng anak ko? Buhat-buhat ko siya sa mall, tapos biglang nasa [sahig] ng mall yung wig?” natatawang lahad ni Ryza.

Gustung-gusto ni Ryza ang bagong hitsura niya dahil isa ito sa mga katuparan ng kanyang bucket list.

Read: Ryza Cenon addresses bashers calling her "walang utang na loob"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
ryza cenon with wig
Ryza Cenon wearing a wig
Photo/s: YouTube

LILIM FOR MMFF 2024?

Si Mikhail Red ang direktor ng Lilim.

Ayon kay Ryza, pinaplano ni Red na isali sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa darating na Disyembre ang kanilang pelikula.

Ngayon lamang nabigyan si Ryza ng pagkakataong makatrabaho sa isang proyekto si Red, ang direktor ng MMFF 2022 best picture na Deleter.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mikhail Red still on cloud nine over Deleter's box-office success, awards

Pinuri ni Ryza ang direktor dahil sa paggabay nito sa mga artista ng Lilim.

Saad ng aktres, “Sobrang supportive niya sa mga artist niya. Kapag kailangan mo ng guidance niya, nandiyan talaga siya.

“Si Direk Red, nagpaparinig sa akin, kasi balak niya yatang isali ang movie sa Metro Manila Film Festival.

“Sabi niya, ‘If maipapasok sa MMFF [ang Lilim], sana sa float [Parade of Stars], kalbo ka rin.’”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryza Cenon: "Mas nanibago ako every time na magsusuot ako ng wig. Parang ang feeling ko, hindi ako sanay na may buhok. Feeling ko, mas bagay sa akin ang walang buhok."
PHOTO/S: Jojo Gabinete / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results