Natawa si Janno Gibbs sa balitang inilabas ng GMA News Online dahil ikinumpara sa isang pusa sa South Korea ang kanyang mukha.
"Pusa Sa South Korea, Kamukha Si Janno Gibbs?!" ang headline ng balitang lumabas noong Linggo, Hunyo 17, 2024, Araw ng mga Ama.

JANNO GIBBS REACTS
Natawa si Janno nang mabasa nito ang malakas na "maka-anak ng pusa!" na artikulo tungkol sa kanya at sa South Korean cat na may pangalang Masho.
Isang Pinoy ang may-ari kay Masho.
"Katawa. Hindi ko kamukha yung pusa!” ang tawang-tawang sagot ni Janno nang hingin ng Cabinet Files ang reaksyon niya sa balitang pinagtawanan din ng netizens.
"But I’m a cat person so na-appreciate ko," ang karagdagang pahayag ni Janno.
Mula sa South Korea ang pusang kulay puti, na malayung-malayo sa itsura ni Janno, kahit saang anggulo tingnan.
Hindi natapos kay Janno ang pagkukumpara ng may-ari ng pusa sa singer-actor dahil humirit pa ito na may mga nagsasabing kahawig din ni Bing Loyzaga si Masho dahil sa nunal nito sa mukha.
Si Bing ay asawa ni Janno.
Pero ni katiting, wala ring pagkakahawig si Bing sa pusa kaya parang namamalik-mata lang ang may-ari na mema o may masabi lang.
Araw ng mga Ama nang ilabas ang amusing news na kahit papaano, nakapagpangiti kay Janno, na ginunita ang okasyon sa kauna-unahang pagkakataon na wala ang kanyang ama na si Ronaldo Valdez.
Sumakabilang-buhay si Ronaldo noong Disyembre 17, 2023.
Hindi nakaligtaan ni Janno na batiin ng Happy Father’s Day ang kanyang tatay sa pamamagitan ng isang Instagram post ng larawan nila habang may hawak na tasa ng kape.
Mensahe ni Janno sa kanyang caption, "Missing our conversations. Happy Father’s Day Papa.Luv u."
Read: Veteran actor Ronaldo Valdez dies at 77
Ang post ni Janno ay matibay na ebidensya na ang mag-ama ang magkamukha, hindi ang pusa.