PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xian Lim inspired sa paggawa ng horror film Kuman Thong

Bida rin dito ang Thai actor na si Max Nattapol Diloknawarit.
by Jojo Gabinete
Published Jun 16, 2024
xian lim is the director of kuman thong
Ang Kuman Thong (Black Magic Baby) ang bagong horror movie na isinulat at idinirek ni Xian Lim (left). Ito ay pinagbibidahan nina Cindy Miranda, Althea Ruedas at ang Thai actor na si Max Nattapol Diloknawarit. Nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan simula July 3.
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram

Magbubukas sa mga sinehan sa Hulyo 3, 2024 ang Kuman Thong (Black Magic Baby), ang horror movie na mula sa panulat at direksiyon ni Xian Lim.

Magdiriwang si Xian ng kanyang ika-35 na kaarawan sa Hulyo 12 kaya napangiti siya nang itanong ng Cabinet Files kung birthday presentation niya ang pelikula na kinunan ang ilang mga eksena sa Bangkok, Thailand.

“Aaah, my gosh, kaya nga nag-iisip na ako ng something for July kasi matagal ko na itong ginagawa,” ang reaksiyon ni Xian nang ipaalaala ng Cabinet Files ang kanyang nalalapit na kaarawan.

READ:

Xian Lim, magdidirek ng horror movie tungkol sa burnt fetus sa Thailand

Xian Lim’s “akbay” photo with film producer Iris Lee goes viral; are they an item?

XIAN ALL PRAISES FOR MAX

Mga bida sa Kuman Thong si Cindy Miranda, ang child actress na si Althea Ruedas at ang Thai actor na si Max Nattapol Diloknawarit na personal na pinili ni Xian para magkaroon ng partisipasyon sa kanyang pangatlong proyekto bilang movie director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Xian Lim and Thai actor Max Nattapol Diloknawarit
Xian with Thai actor Max Nattapol Diloknawarit
Photo/s: @xianlimm on Instagram

“Sikat si Max sa mga BL series sa Thailand. Meron siyang love team.

“Patient siya. Masaya, masaya yung shoot,” kuwento ni Xian tungkol kay Max na inirekomenda sa kanya ng isang kakilala nang gumawa siya ng music video na kinunan sa Thailand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ:

Thai star Max Nattapol Diloknawarit, bida sa pelikula ni Xian Lim

Xian Lim at Iris Lee, magkasama sa Bangkok para sa location hunting ng bagong pelikula ng aktor

XIAN LAMENTS MINOR SHOOTING HURDLES

Hindi madali para kay Xian na gumawa ng pelikula sa ibang bansa dahil sa mga hamon na hinarap, tulad ng ibang lengguwahe ng mga Thai.

“Language barrier talaga. Hindi nila first language ang English. Kami-kami lang din [ang translator],” ang sabi ni Xian na umaasa na tatangkilin ng manonood ang unang horror movie niya bilang manunulat at direktor.

“Sana, it’s a different feel naman. Sana makita nila…” ang hiling ni Xian na mahigit sa isang linggo na namalagi sa Thailand para sa shooting ng Kuman Thong.

XIAN EXPERIMENTS WITH FRESH HORROR CONCEPT

Malawak ang kaalaman ni Xian tungkol sa Kuman Thong na Thai word para sa mga sinunog na fetus na lalake na namatay habang nasa sinapupunan ng kanilang mga ina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagrado para sa mga Thai ang mga Kuman Thong na pinaniniwalaan nila na naghahatid ng suwerte pero binigyan ni Xian ng ibang kahulugan sa kuwento ng horror movie na kanyang isinulat at pinamahalaan.

Kung pamimiliin si Xian sa pag-arte at pagiging direktor, ang paggawa ng pelikula ang kanyang pipiliin kaya inspiradong-inspirado siya nang gawin niya ang Kuman Thong.

READ:

Xian Lim, Iris Lee grace Cannes festival's outdoors theatre

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Kuman Thong (Black Magic Baby) ang bagong horror movie na isinulat at idinirek ni Xian Lim (left). Ito ay pinagbibidahan nina Cindy Miranda, Althea Ruedas at ang Thai actor na si Max Nattapol Diloknawarit. Nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan simula July 3.
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results