PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Misis, nakumpirma ang affair ng asawang aktor sa aktres

Itinuring pa naman niyang kaibigan si aktres.
by Jojo Gabinete
Published Jun 15, 2024
blind item about wife confirming affair of husband with an actress
Kay sakit naman! Kaibigang aktres ni misis, confeermed na kaaffair ng hubby niyang aktor.
PHOTO/S: mvezokaramchandhay on Pixabay (crying woman); clipart gallery (couple)

Hindi nagkamali ng suspetsa ang misis na may namumuong relasyon sa pagitan ng kanyang mister at sa aktres na nakasama nito sa isang television series.

Napatunayan ito ng misis ng aktor dahil sa video ng dalawa na napanood niya.

Dito naging malakas ang pakiramdam ng misis na may relasyon ang asawa niya sa aktres na itinuring nilang kaibigan.

MISIS MOVES ON

Nakipaghiwalay na si misis sa aktor at tahimik nang inaayos ang annulment ng kanilang kasal para makamit ang kalayaang pinakamimithi nila.

Read:

Aktor, dyinowa ang kaibigan ng kanyang girlfriend

Sikat na showbiz couple, tatlo na ang anak

Samantala, kahit alam ng aktres na may pamilya o may sabit ang aktor, pumatol pa rin siya dahil wagas ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa karelasyon.

SECRET AFFAIR STILL ON

Inamin na ng aktres sa pamilya at malalapit na kaibigan na may relasyon sila ng aktor, pero kailangan pa rin nilang mag-ingat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam ng aktres na kung aaminin niya sa publiko ang pagmamahalan nila ng aktor, tiyak na makakaapekto ito sa annulment case na ipinagdarasal niyang maaprubahan ng korte.

Read:

Showbiz couple, nagbunga na ang pag-career magka-baby

Rich personality, delayed magbayad ng upa sa bahay?

Bukas din ang isipan niya sa katotohanang mananatili siyang “other woman” hangga’t hindi ganap na malaya ang aktor.

Kaya ginagawa ng aktor at ng aktres ang lahat ng paraan para hindi sila makitang magkasama sa mga pampublikong lugar.

Pero hindi ito madaling gawin sa panahon ng social media.

Tanggap ng dalawa na anuman ang pag-iingat nila, dahil sa kanilang celebrity status ay malaki ang posibilidad na makunan sila ng litrato at video.

Lalo pa't ang mga tao ngayon, basta't may hawak na cellphone camera at makakita ng artista, click lang nang click.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kay sakit naman! Kaibigang aktres ni misis, confeermed na kaaffair ng hubby niyang aktor.
PHOTO/S: mvezokaramchandhay on Pixabay (crying woman); clipart gallery (couple)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results