PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas nakatanggap ng message mula kay Jiro Manio

Ano kaya ang sinabi?
by Jojo Gabinete
Published Jun 15, 2024
Ai-Ai delas Alas with Jiro Manio
Kinontak ni Jiro Manio si Ai-Ai delas Alas sa Facebook Messenger matapos ang ilang taong hindi pag-uusap. Bakit kaya?
PHOTO/S: Screen Grab from PEP TV; Dapata Alam Mo on Facebook (Jiro Manio)

Walong taon nang walang komunikasyon sina Ai-Ai Delas Alas at Jiro Manio kaya nagulat ang Comedy Queen nang makatanggap siya ng mensahe mula sa dating child actor.

Gumanap si Jiro bilang anak ni Ai-Ai sa Ang Tanging Ina, ang blockbuster movie ng Star Cinema noong 2003.

This photo was taken sometime in 2015, the year Ai-Ai delas Alas took Jiro Manio under her wing
This photo was taken sometime in 2015, the year Ai-Ai delas Alas took Jiro Manio under her wing.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ai-Ai ang tumulong kay Jiro nang matagpuan itong pagala-gala at parang wala sa sarili sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport noong June 2015.

Dinala at ipinagamot ni Ai-Ai si Jiro sa isang pribadong rehabilitation center at makalipas ang ilang buwan, inilipat niya sa isang drug rehabilitation facility sa Bataan.

Read:

Ai-Ai delas Alas slams bashers questioning her motive in helping Jiro Manio

(UPDATED) Former child actor Jiro Manio found wandering at NAIA Terminal 3

WHY AI-AI DELAS ALAS STOPPED COMMUNICATING WITH JIRO MANIO

Pero ayon sa kuwento ni Ai-Ai noong January 19, 2020, pinutol niya ang kanyang komunikasyon kay Jiro dahil magaling na ang aktor at puwede nang lumabas mula sa rehabilitation facility.

Hindi na rin nakipag-ugnayan si Ai-Ai kay Jiro dahil nakarating sa kanya ang balita na gumagamit ng marijuana ang dating child star.

“Pakiramdam ko, lahat ng binuhos kong effort, tulong, pangaral, suporta, natapon na lang. Nawalan ako ng pag-asa. Hindi ko na siya pinansin. Ano pa ang magagawa ko?” ang nanghihinayang na sabi ni Ai-Ai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ai-Ai delas Alas, naglabas ng hinaing tungkol sa Star Cinema

AI-AI DELAS ALAS RECEIVES A MESSAGE FROM JIRO MANIO

Noong May 31, 2024, nasorpresa si Ai-Ai nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Jiro sa kanyang official Facebook page.

Ang administrator ng Facebook page ni Ai-Ai ang nagpakita sa kanya ng mensahe ni Jiro.

Kinukumusta ni Jiro si Ai-Ai at binebentahan ng cellphone sa halagang PHP38,000 dahil kailangan niya ng pera.

Hindi malaman ni Ai-Ai kung ano dapat ang magiging reaksiyon niya sa mensahe ni Jiro.

Pero pinutol man niya noon ang komunikasyon kay Jiro dahil sa bisyo nito, handa pa rin si Ai-Ai na tulungan ang kanyang anak-anakan.

Kailangan lang na totoong nagbago na ito.

Alam ni Ai-Ai ang pangangailangan nito sa pera dahil naging malaking balita noong January 2024 ang pagbebenta niya sa content creator na si Boss Toyo ng kanyang acting trophy sa halagang PHP75K.

At ang pagnanais na matulungan si Jiro ang isa sa mga rason kaya naisip ni Ai-Ai na magkaroon ng reunion movie ang original cast ng Ang Tanging Ina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero nawalan na siya ng interes dahil sa kontrobersiyang nangyari.

Matatandaan na nitong June 10, naglabas ng sama ng loob si Ai-Ai nung pinatanggal sa ABS-CBN News website ang balita tungkol sa pagsasapelikula ng Ang Tanging Ina, The Reunion movie.

Nagmukha kasi siyang sinungaling kahit pa may taong nakausap siya mula mismo sa Star Cinema.

Here's what Ai-Ai delas Alas has to say to the bashers who criticized her rant against Star Cinema.
Video: PEP TV.

Read: Jiro Manio ibinenta ang Urian best actor trophy sa halagang PHP75K

Samantala, nakumpirma ng Cabinet Files na talagang si Jiro ang nagpadala ng mensahe dahil ang kaparehong Facebook account ang ginamit niya dati noong may komunikasyon pa sila ni Ai-Ai.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinontak ni Jiro Manio si Ai-Ai delas Alas sa Facebook Messenger matapos ang ilang taong hindi pag-uusap. Bakit kaya?
PHOTO/S: Screen Grab from PEP TV; Dapata Alam Mo on Facebook (Jiro Manio)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results