PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wil to Win, bagong title ng show ni Willie Revillame sa TV5

Willie Revillame, naluluhang nagpaalam sa Wowowin.
by Jojo Gabinete
Published Jun 14, 2024
willie revillame wil to win
Willie Revillame announces that the title of his show on TV5 is Wil to Win: "Magmula Lunes hanggang Biyernes, kasama ninyo na po ang bagong programa, dito yan sa TV5."
PHOTO/S: Wil to Win Facebook

Wil to Win ang bagong pamagat ng game show ni Willie Revillame sa TV5.

Ito ang inanunsiyo ng TV host mula sa Studio 6 ng Kapatid Network sa Mandaluyong City ngayong Biyernes ng hapon, Hunyo 14, 2024.

Read: Willie Revillame, nagpasalamat sa GMA-7 nang pumirma ng kontrata sa TV5

wil to win logo
The logo of Willie Revillame's upcoming show on TV5.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang-masaya si Willie nang sabihin niyang malapit nang mapanood sa TV5 ang game show na matagal nang pinakahihintay ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta.

Wala pang sinabing eksaktong petsa kung kailan magsisimulang mapanood sa ere ang Wil to Win.

Sabi ni Willie, “Magsisimula po ang programa ng araw ng Linggo. Kung anong date po, abangan ninyo.

"Alam ninyo kung bakit, it’s family day. Yung Linggong yon, makakasama namin kayo.

“Pagkatapos ng Linggo, tuluy-tuloy na po. Magmula Lunes hanggang Biyernes, kasama ninyo na po ang bagong programa, dito yan sa TV5.”

Read: The Win Girls, co-hosts sa show ni Willie Revillame sa TV5

WILLIE REVILLAME BIDS GOODBYE TO WOWOWIN

Nabahiran ng lungkot ang kaligayahang ni Willie nang magbigay-pugay at magpaalam siya sa Wowowin, ang kanyang dating programa sa GMA-7 na halos pitong taong napanood sa ere.

Napaluha si Willie habang pinapanood ang music video ng Wowowin na nilapatan ng "Salamat Sa Inyo," ang kanta ng pasasalamat niya sa kanyang mga minamahal na tagasubaybay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa bihirang pagkakataon, muling napanood si Willie na umiiyak, at ito nga ay nang magpaalam siya sa pamagat na Wowowin na napamahal sa kanya.

willie revillame crying
Willie Revillame gets emotional after watching video of his old show on GMA-7, Wowowin.
Photo/s: Wil To Win Facebook

Pahayag ni Willie: “Salamat Wowowin. Sa lahat ng mga nagmahal po sa programang Wowowin, sa social media, sa Facebook, sa YouTube...

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kahit wala akong TV show, nung nawala ho ako sa GMA, nung nawala ako sa ALLTV, ni isa ho sa Facebook followers at subscribers sa YouTube, wala pong umalis. In fact, nadadagdagan pa kami araw-araw.

"Maraming salamat sa lahat ng mga nagmamahal sa programang Wowowin. For almost seven years, araw-araw namin kayong kasama sa GMA.

"Maraming mga pagsubok, maraming nangyari. May luha ng kaligayahan, may luha ng hinagpis na araw-araw kong nararamdaman yon."

Pasintabi pa niya, "Sorry ho naging emosyonal ako dahil mawawala na ho kasi si Wowowin. Magpapaalam na po ang programang Wowowin.

“For six and a half years, sinamahan ninyo ako araw-araw, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA 7 po yan.

“Sa totoo lang, wala na akong TV show. Araw-araw na sinasabi sa akin na wala ni isang umalis sa Facebook at sa YouTube. Naghihintay, andiyan sila."

Read: TVJ at Willie Revillame, mga bagong haligi ng Kapatid network

WILLIE REVILLAME THANKS GMA NETWORK AGAIN

Kasunod nito ay muling pinasalamatan ni Willie ang pamunuan ng GMA Network na kumupkop sa kanya sa halos pitong taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “Of course, I would just like to thank Atty. [Felipe] Gozon, Miss Annette [Gozon-Valdes], Mr. [Jimmy] Duavit dahil hindi ninyo ipinagkait sa akin yon.

"Na noong time na ako ay aalis na sa inyo, naintindihan ninyo naman.

“In fact, para malaman ninyo, meron akong kontrata, renewal sa GMA, kaya lang nagdesisyon ako sa buhay ko ng isang bagay.

"Ganoon talaga ang buhay, marami kang nadidinig na kung anu-ano, na tapos ka na, mawawala ka na.

"Hindi ninyo alam kung ano pinagdaanan ko sa programang Wowowin. Pero ganun pa man ho, ang importante, maraming salamat sa lahat ng nagmahal."

Read: Willie Revillame, GMA-7, maayos ang paghihiwalay

Patuloy ni Willie: “Sa lahat ng mga taong pumunta sa studio, sa mga taong ipinagdasal ako, yung programa para magtagal, magkaroon ng magandang ratings, maraming salamat sa inyong lahat.

“Tatanawin kong malaking utang na loob sa inyo dahil ang Wowowin po, malaking bagay sa buhay ko yan. Maraming-maraming salamat po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Itong luha, luha ng nalulungkot ka, pero merong luha ng kaligayahan.

"Kaya iba na itong luha na ito, tears of joy, kaya may bago na tayong programa dito sa TV5."

Sambit pa niya sa huli, “I love you, Wowowin!” — na indikasyon ng pagmamahal niya sa kanyang dating game at public service program sa GMA-7.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame announces that the title of his show on TV5 is Wil to Win: "Magmula Lunes hanggang Biyernes, kasama ninyo na po ang bagong programa, dito yan sa TV5."
PHOTO/S: Wil to Win Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results