Nagdiwang ng kanyang ika-82 kaarawan si Alex Muhlach sa isang beach resort sa Bohol noong Hunyo 9, 2024.
Nagmagandang-loob ang apo ni Alex na si Sandro Muhlach na magbigay ng mga detalye sa Cabinet Files tungkol sa birthday celebration ng kanyang lolo.
Si Sandro ang panganay na anak ng former Child Wonder na si Niño Muhlach.
Hindi sinasadyang naging kontrobersiyal at pinag-usapan ng publiko si Alex dahil sa 52-taong agwat ng edad nila ng kanyang live-in partner na si Mae Fortaleza.
Read: 82-anyos na ama ni Niño Muhlach, 30-anyos ang karelasyon
MUHLACH FAMILY TRIP IN BOHOL
Pinagbigyan ni Sandro ang kahilingan ng Cabinet Files na magkuwento siya tungkol sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang lolo.
Ayon sa Sparkle GMA Artist Center artist, si Mae lamang ang dapat kasama sa Bohol pero nagbago ang plano dahil sumama ang buong pamilya nila.
Lahad ni Sandro: “Actually, ang totoo po niyan, ang lolo ko at ang girlfriend niya lang ang dapat na pupunta sa Bohol para sa birthday niya.
“Pero nang sabihin ng lolo ko sa buong family ang plano niya, gusto nang sumama ng lahat kaya naging family trip ang nangyari."

Nagkaroon din ng malaking party sa huling araw nila sa Bohol.
“Hindi alam ng lolo ko na nag-set po si Papa Niño at ang mga tita ko ng party para sa kanya sa last day namin sa Bohol.
“Forty people kami na nagpunta sa Bohol dahil kasama rin namin ang mga close friend at office staff ng Muhlach Bakery.
“Nag-celebrate talaga kami ng 82nd birthday ni Lolo dahil gusto naming malaman niya na sobrang na-appreciate namin ang lahat ng efforts niya, lalo na para sa kanyang mga apo, like me and Alonzo,” sabi ni Sandro, na magdiriwang naman ng kanyang ika-23 kaarawan sa Biyernes, Hunyo 14.
Read: Niño Muhlach reacts to bashers of dad's unique love story
NIÑO AND MAE'S BIRTHDAY WISH FOR ALEX
Sa ibinahaging video ni Sandro na kuha sa birthday celebration ng kanyang lolo ay mapapanood ang pagbibigay ng mensahe ng mga mahal sa buhay ni Alex.
Likas na mababa ang luha ni Niño kaya napaiyak ito nang pasalamatan ang ama para sa lahat ng mga sakripisyo nito para sa kanya at sa pamilya nila.

“I love you” naman ang mensahe ni Mae kay Alex.
Sinariwa rin niya ang mga pagsubok na nalampasan nila ni Alex sa loob ng kanilang sampung taong relasyon.
Aniya, “Sa ten years na pagsasama namin, madami na kaming pagsubok na pinagdaanan. Madami na din humusga.
"Pero nandito pa din kami, patuloy at patuloy na matibay, mabubuhay na masaya at magkasama.
"I love you."
Read: Alex-Mae relationship, umani ng iba't ibang reaksiyon

ALEX MUHLACH'S BIRTHDAY WISH
Si Sandro na rin ang tinanong ng Cabinet Files tungkol sa mga birthday wish ng kanyang Lolo Alex, na hindi pa nagsasalita tungkol sa pinag-uusapang relasyon nila ng girlfriend niya.
Ayon sa young actor, “Right now, kasama ko po si Lolo sa room niya. I visited him para tanungin tungkol sa kanyang birthday wish.
“Ang wish niya po is sana magkaayos daw po lahat ng mga anak niya at magsama-sama, dahil may mga tito at tita po ako na nasa abroad.
“At ang birthday wish ko po para sa lolo ko is sana humaba pa ang kanyang buhay at makasama ko pa siya for a long time para makita niya pa ang mga achievement ko sa buhay, with his guidance.”
Read: True love? 23-year-old woman is breadwinner in marriage to 80-year-old man