PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez, may pinagdaraanang problema sa pamilya?

Sanya Lopez, hindi makakaya kung susukuan siya ng sariling pamilya.
by Jojo Gabinete
Published Jun 12, 2024
sanya lopez fast talk with boy abunda
Sanya Lopez on her family: "Yun po ang laro na hindi ko kakayanin—losing them at yung sumuko na yung pamilya. Yung laro na sumusuko na sila. Sumusuko sila sa mga bagay na… ikaw, sinusukuan ka na nila. Yung pagmamahal nila sa 'yo, sinusukuan na."
PHOTO/S: GMA Network

Nagkaroon ng haka-hakang may personal na problema si Sanya Lopez dahil sa kanyang mga pahayag sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules ng hapon, Hunyo 12, 2024.

Isa si Sanya sa mga bida ng Playtime, ang pelikula ng GMA Pictures at Viva Films, kaya may kinalaman sa laro ang mga tanong sa kanya ni Boy Abunda.

Read: Sanya Lopez admits wearing expensive jewelry makes her anxious: "Nakakatakot maging sosyal!"

Napansing may kakaibang lungkot sa mga mata ni Sanya nang magtanong si Boy tungkol sa laro sa buhay pamilya na kaya at hindi niya kaya.

Sagot ng Kapuso actress, “Kaya ko yung laro na lahat kami magkakahiwalay sa ngayon dahil alam naming may mangyayari in the future na maganda.”

SANYA LOPEZ ON HER FAMILY

Muling tanong ni Boy, “What do you mean by that? 'Magkakahiwalay kami dahil alam naming lahat na may magandang mangyayari in the future'?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Sanya: “Kumbaga, may mga bagay ka na kailangan isakripisyo sa ngayon kung hindi kayo magkakasama, but later on, alam mo naman na para rin sa ating lahat yon.

“Siguro po yung larong hindi ko kaya ay yung darating sa time na yung buhay, unti-unti, hindi natin alam magkakasama pa rin tayo, nagkakasakit ba o ano.

"Yun po ang laro na hindi ko kakayanin—losing them at yung sumuko na yung pamilya. Yung laro na sumusuko na sila.

“Sumusuko sila sa mga bagay na… ikaw, sinusukuan ka na nila. Yung pagmamahal nila sa yo, sinusukuan na.

"Yun ang hindi ko makakayanan, Tito Boy."

Read: Sanya Lopez dreams of working with Bea Alonzo and Alden Richards

Sa puntong iyon ay tila nabasag ang boses ni Sanya habang nagsasalita.

sanya lopez fast talk with boy abunda guesting
Sanya Lopez during her June 12, 2024 guesting on Fast Talk With Boy Abunda.
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sunod na tanong ni Boy, “Naramdaman mo na yon, pasuko na o sinusukuan ka na ng pamilya mo?”

Sagot ni Sanya: “Hindi naman, Tito Boy, though siguro we had understanding din naman din.

"Pero pagdating sa mga ganoon, importante talaga yung larong maiintindihan ka [ng pamilya mo].

“Siguro sa trabaho natin, hindi ganoon kadali. Ang feeling nila, ang dali-dali lang maging artista. Ang dali-dali lang ng ginagawa nating trabaho.

"Pero yung mapahiwalay ka sa pamilya mo, mahirap yon. Akala nila [ang dami-daming pera]."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on her family: "Yun po ang laro na hindi ko kakayanin—losing them at yung sumuko na yung pamilya. Yung laro na sumusuko na sila. Sumusuko sila sa mga bagay na… ikaw, sinusukuan ka na nila. Yung pagmamahal nila sa 'yo, sinusukuan na."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results