Likas na mahiyain ang fiancé ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo.
Pero nakumbinsi itong magpainterbyu sa Fast Talk with Boy Abunda, matapos ang taping ni Andi para sa My Mother, My Story, sa San Fernando, La Union, noong Mayo 29, 2024.
Ang eksklusibong panayam ni Boy kina Andi at Philmar ay ipinalabas sa GMA-7 nitong Lunes ng hapon, Hunyo 10, 2024.
Sa kauna-unahan at bibihirang pagkakataon, nagkuwento si Philmar tungkol sa sulat na ginawa nito at ipinadala kay Jaclyn Jose para ipaalam ang kanyang intensiyong pakasalan ang anak ng aktres na si Andi.
Read: Philmar Alipayo posts last message from late mother-in-law Jaclyn Jose
Nalaman ng publiko ang kuwento ng sulat ni Philmar kay Jaclyn dahil ang beteranang aktres mismo ang nagbanggit nito.
Pagkukuwento ni Philmar, “Sinabi ko na, siyempre, sobrang mahal na mahal ko si Andi.
"Alam kong mahal na mahal mo rin, na promise na aalagaan ko siya, si Ellie na rin.
"Kung gaano ko siya [Andi] kamahal, ganoon din ang pagmamahal ko kay Ellie."
Si Ellie ang anak ni Andi sa dating karelasyon nitong si Jake Ejercito.
Nasaksihan namin sa taping ng My Mother, My Story na tunay na anak ang trato ni Philmar kay Ellie.
Inilahad ni Ellie sa Cabinet Files na natuto siya ng surfing dahil tinuruan siya ni Philmar, ang kanyang pangalawang ama at tatay ng kanyang mga kapatid na sina Lilo at Koa.
Nakatakda sana ang pagpapakasal nina Andi at Philmar ngayong 2024, ngunit dahil sa pagkamatay ni Jaclyn ay ipinagpaliban muna ito ng engaged couple.
Read: Andi Eigenmann postpones wedding to Philmar Alipayo
ANDI'S FIRST BIRTHDAY WITHOUT JACLYN
Sa Hunyo 25, 2024 ay ipagdiriwang ni Andi ang kanyang ika-34 kaarawan.
Ito ang unang pagkakataong gugunitain ni Andi ang kaarawan na wala ang kanyang nanay dahil sumakabilang-buhay si Jaclyn noong Marso 2, 2024.
Read: Andi Eigenmann regrets not bringing Jaclyn Jose to Siargao
Ipinagtapat ni Andi sa Cabinet Files na mula nang pumanaw ang ina, hindi pa siya pumupunta sa tahanan nila sa Quezon City.
Masakit para kay Andi ang nakabibiglang pagkawala ni Jaclyn kaya mauunawaan ang desisyon niyang huwag munang puntahan ang bahay na pinangyarihan ng isang napakalungkot na bahagi ng kanyang buhay.
Natagapuan ang wala nang buhay na katawan ni Jaclyn sa mismong tahanan ng multi-awarded actress.
Read: Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of a heart attack
Sa tuwing napag-uusapan si Jaclyn, nalulumbay at hindi pa maiwasan ni Andi na hindi umiyak dahil sa pangungulila sa nanay niya.