PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matteo Guidicelli, nagpaalam na sa Black Rider

Matteo, makakasama si Sarah sa isang pelikula?
by Jojo Gabinete
Published Jun 8, 2024
Matteo Guidicelli's character dies in Black Rider
Matteo Guidicelli, kabilang sa cast members ng Black Rider na nagpaalam sa madugong episode ng serye kagabi, June 7, 2024.
PHOTO/S: Screengrab from Black Rider / GMA-7

Nagwakas noong Biyernes ng gabi, Hunyo 7, 2024, ang pitong buwan na partisipasyon ni Matteo Guidicelli sa Black Rider, ang action-drama primetime series ng GMA-7.

Read: Sarah Geronimo, all-out support sa MMFF 2023 entry ni Matteo Guidicelli

Pinatay na si Rafael "Paeng" Policarpio, ang karakter na kanyang ginampanan.

"Salamat Black Rider. Paalam," ang mensahe ng pasasalamat ni Matteo ilang oras matapos ipakita sa Black Rider ang eksena ng pagkamatay ng kanyang karakter.

Ruru Madrid and Matteo Guidicelli
Ruru Madrid and Matteo Guidicelli in the bloody fight scene in Black Rider
Photo/s: Screengrab from Black Rider / GMA-7
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinagulat ito ng mga sumusubaybay sa programa ng GMA-7 dahil hindi nila inaasahan ang pamamaalam niya.

Hindi lamang ang karakter ni Matteo ang mawawala sa Black Rider dahil pinatay na rin si Joan, ang papel na ginampanan ni Arra San Agustin.

Pinaniniwalaan na may kinalaman ang season ender ng Black Rider sa pagbabawas ng mga karakter ng programa na pinangungunahan ni Ruru Madrid.

Ang Black Rider ang pangalawang proyekto ni Matteo sa Kapuso Network mula nang pumirma siya ng kontrata noong Mayo 2023.

Nawala man siya sa Black Rider, patuloy na mapapanood si Matteo sa GMA-7 dahil nananatili siya na co-host ng Unang Hirit, ang early morning program ng Kapuso station.

Noong Mayo 27 ang huling araw ng taping ni Matteo para sa Black Rider — na isa sa mga dahilan kaya marami sa ibang mga proyekto ang hindi niya nagawa na epekto ng kanyang mahigpit na schedule.

At dahil tapos na ang partisipasyon ni Matteo sa Black Rider, regular na uli na mapapanood siya sa Unang Hirit habang hindi pa nag-uumpisa ang ibang mga nakalinya niya na proyekto sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa pang nakapila na proyekta niya ay ang pinaplano na pagtatambal nila ng kanyang asawa na si Sarah Geronimo sa Philippine adaptation ng South Korean movie na Wonderful Nightmare.

Read: Sarah Geronimo, may shoutout kay Mommy Divine sa Billboard Women in Music Awards 2024

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli, kabilang sa cast members ng Black Rider na nagpaalam sa madugong episode ng serye kagabi, June 7, 2024.
PHOTO/S: Screengrab from Black Rider / GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results