Baby girl ang ipinagbubuntis ni Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon.
Ito ang magandang balita na ibinahagi ng beauty queen-model sa kanyang social media followers noong Linggo, Hunyo 2, 2024.
Read: Janine Tugonon says Catriona Gray is the "most prepared" Miss Philippines sent to Miss Universe
“Exciting times, new goals set and new season n life ahead. Baby girl enroute,” caption ni Janine sa mga larawan ng kanyang pagbubuntis na makikita sa official Instagram account niya.
May hashtags na #letsdothis, #firsttime mom, at #thisisgonnabefun ang Instagram post ni Janine, pero hindi niya binanggit ang pangalan ng ama ng sanggol na kanyang dinadala.
View this post on Instagram
JANINE TUGONON'S FRENCH BOYFRIEND
Isang French national ang boyfriend ni Janine, na personal na nakilala ng Cabinet Files sa guesting ng dating beauty queen sa Fast Talk with Boy Abunda noong Pebrero 15, 2024.
Kasama ni Janine sa studio ng afternoon showbiz talk show ni Boy Abunda ang kanyang French boyfriend.
Pero nakiusap siyang huwag kunan ng larawan at banggitin ang pangalan ng karelasyon niya na isang matibay na indikasyong pinahahalagahan at pinangangalagaan nila nang husto ang kanilang pribadong pamumuhay at relasyon.
Read: Unshaken, Janine Tugonon tells Elle: "I want Victoria's Secret."

Sinabi ni Janine sa Cabinet Files na nagdesisyon sila ng kanyang boyfriend na manatili muna sa Pilipinas.
Naniniwala kaming buntis na siya noong Pebrero, pero hindi pa halata dahil sa kanyang manipis na pangangatawan.
Sa tanong ni Boy Abunda kung tatanggap si Janine ng mga acting project habang nasa Pilipinas, "oo" sagot niya.
Pero malabo nang mangyaring magkaroon siya ng showbiz career dahil sa kanyang kasalukuyang kalagayan.
"Yes" pa rin ang sagot ni Janine sa kasunod na tanong ni Boy na magagawa ba niyang talikuran ang kanyang career alang-alang sa pag-ibig—na nagkatotoo dahil nakatuon ngayon ang atensiyon ng dating Miss Universe runner-up sa pagbubuntis nito.