Hindi maipagkakaila na malalim ang galit ng aktres sa aktor na kanyang nakatrabaho sa isang proyekto.
Nang magkita kamakailan ang dalawa, ni hindi binati ng aktres ang aktor.
Tumanggi rin siyang banggitin ang pangalan ng aktor na itinuring niyang matalik na kaibigan noong hindi pa nagkakaroon ng lamat ang kanilang relasyon.
Hindi lang matalik na magkaibigan ang aktor at aktres. Nagkagustuhan sila at literal na humantong sa pagtatalik ang kanilang pagiging magkaibigan.
AKTRES, DI AKALAING MALALANTAD ANG KANILANG LIHIM NA RELASYON
Nagalit ang aktres sa aktor dahil nalantad sa publiko ang kanilang inililihim na relasyon.
Sinisisi ng aktres ang aktor na naging pabaya kaya nalaman ng mga tao na may namagitan sa kanila na itinatanggi niya noon.
May sapat na dahilan ang aktres para pabulaanan na may mga nangyayari sa kanila ng aktor dahil may pananagutan na ito sa buhay.
Kahit matibay ang mga ebidensya tungkol sa bawal na relasyon nila ng aktor, nanindigan ang aktres na magkaibigan at nagkasama lamang sila noon sa isang proyekto.
SI AKTOR MISMO ANG UMAMIN SA KANILANG BAWAL NA RELASYON
Wala nang naniwala sa alibi ng aktres dahil, una, mismong ang aktor ang umamin sa mga kaibigan nito tungkol sa kanilang bawal na relasyon.
Pangalawa, iba ang sinasabi ng aktres sa mga inaasal nito dahil, kung talagang walang katotohanan ang balita, bakit parang mortal na kasalanan sa kanya ang banggitin ang pangalan ng aktor?
Hindi nagsasalita ang aktor tungkol sa hindi pamamansin ng aktres dahil alam niya sa sarili na malaki ang kanyang kasalanan.
Hindi sana nasira ang “pagkakaibigan” nila ng aktres kung naging discreet siya sa mga nangyayari sa kanyang personal na buhay.
READ MORE: