PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Deniece Cornejo magbe-birthday muli sa loob ng kulungan

Thirty-three years old na ngayon si Deniece.
by Jojo Gabinete
Published Jun 1, 2024
Left: Deniece Cornejo when she celebrated her 23rd birthday in Camp Crame prison back in June 1, 2014. Right: Deniece's mugshot from the Bureau of Corrections press release.
Kaliwa: Ang kontrobersiyal na photo ni Deniece Cornejo nang mag-celebrate ito ng 23rd birthday sa loob ng kulungan sa Camp Crame nung June 1, 2014. Kanan: Mugshot ni Deniece mula sa Bureau of Corrections press release matapos madakip at ikulong nang ibaba ng Taguig Regional Trial Court ang hatol sa kanya at iba pa sa kasong serious illegal detention for ransom.
PHOTO/S: File / Bureau of Corrections

Ngayong Sabado, Hunyo 1, 2024, ang ika-33 na kaarawan ni Deniece Cornejo, at sa pangalawang pagkakataon hanggang sa mga susunod na taon, muli niyang gugunitain ang araw ng kanyang kapanganakan sa loob ng bilangguan.

Read: Deniece Cornejo, diretso ng kulungan matapos mahatulang guilty

Unang naranasan ni Deniece gunitain ang kaarawan sa loob ng kulungan noong nag-23 siya, Hunyo 1, 2014, habang nakapiit sa Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Read: Deniece Cornejo celebrates 23rd birthday behind bars; gets surprise visit from Roxanne Cabañero

Nakapiit noon si Deniece dahil sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanya, na may kaugnayan pa rin sa insidenteng nangyari sa Forbeswood condominium building, Taguig City, noong Enero 22, 2014.

Read: Vhong Navarro, Deniece Cornejo legal tussle: A Timeline

Sa eksklusibong panayam sa ama ni Deniece na si Paul “Dennis” Cornejo, ang kahilingan niya para sa kaarawan ngayon ng kanyang anak ang itinanong ng Cabinet Files.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala na akong ibang wish para sa kanya kundi to hold on to her faith in God. Always think that time will come that justice will be fair. Hindi yung ganitong nangyari sa kanya,” sagot ni Dennis.

Si Dennis ay naninirahan sa U.S. at hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong makita nang personal si Deniece mula nang makulong ito sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City, noong Mayo 2, 2024.

Sabi pa ng ama ni Deniece, “Lahat na lang... nakadapa ka na, tinitiris ka pa. Lahat na lang ng mga nakikita ko sa video, social media, lahat masasama. Wala na yatang nakitang mabuti. Sana kahit papaano, binalanse nila ang kanilang mga isip.

“Pero ganoon talaga. You have to face it pero darating din ang time. I am not losing hope, never! And I will never, ever lose my faith.

“Sa nangyaring yan, lalong tumibay ang aking paninindigan at panalangin sa Panginoon kasi talagang tine-test ka Niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero lahat ng mga ibinigay ng Diyos na problema, makakaya natin, mula 2014. Pero ngayon, medyo ibang eksena ito. Mas mabigat.”

Reclusion perpetua ang inihatol ng Branch 153 ng Taguig City Regional Trial Court noong Mayo 2, 2024, kay Deniece at sa iba pang mga akusado dahil sa kasong serious illegal detention for ransom na inihain ni Vhong.

Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo guilty in serious illegal detention case

Ang reclusion perpetua ay nagdadala ng kaparusahang 30 hanggang 40 taong pagkakakulong.

Mula sa korte, dinala si Deniece sa CIW para sa pagsisimula ng kanyang sentensya.

Pagkatapos ng ilang araw na quarantine, maaari nang tumanggap si Deniece ng mga bisita, kaya malaki ang posibilidad na matuloy ang planong pagdalaw sa kanya ng lolo niyang si Rod Cornejo.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Rod noong Mayo 8, 2024, inihayag nito ang balak na pagbisita sa apo sa ika-33 na kaarawan nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kung papayag ang Correctional Institute for Women, I would like to visit her for her birthday, to pray with her. I will bring some Christian friends so we can pray for her and maybe even have a little birthday celebration.

“Kaya lang, of course, I have to get permission from CIW, kung papayag ba sila,” pahayag ni Cornejo.

Hindi iniwan o pinabayaan si Deniece sa mabigat na pagsubok na pinagdaanan nito nitong nakalipas na sampung taong gumulong ang kaso hanggang sa humantong sa tuluyan nitong pagkakakulong.

Deniece's controversial birthday celebration

Trivia. Naging kontrobersyal ang pagdiriwang ni Deniece ng kanyang ika-23 na kaarawan noong Hunyo 1, 2014, sa loob ng kulungan niya sa PNP Headquartes sa Quezon City, dahil sa kanyang larawang kumalat sa social media.

Makikita ito sa ibaba. Dahil dito inakusahan siyang nabibigyan ng special treatment.

Deniece Cornejo in dress and smiling during her birthday celebration inside prison in 2014.
Deniece Cornejo's 23rd birthday celebration, June 1, 2014, Camp Crame.
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang sulat ng pagpapaliwanag ang ipinadala ni Deniece sa Presidente noon ng bansa, na si Noynoy Aquino, upang itinanggi ang mga paratang sa kanya.

Read: Deniece Cornejo writes a letter to PNoy; explains celebration inside CIDG detention cell

Ito ang bahagi ng sulat na ipinadala noon ni Deniece kay Aquino.

"By way of this humble representation, I wish to present my side regarding the simple celebration of my 23rd birthday last June 1, 2014.

"I didn't ask for any special treatment or privilege. All that I wanted was to hold a Sunday worship and thanksgiving since it's a Sunday and it's family day.

"I feel I'm entitled to marking these important youthful dates of my life with my family and friends and relatives who came all the way from America and provinces especially that I'm experiencing difficult times.

"The objective and advocacy [of the celebration] had a good purpose and that is 'LIFE IS STILL BEAUTIFUL IN SPITE OF TRIALS.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaliwa: Ang kontrobersiyal na photo ni Deniece Cornejo nang mag-celebrate ito ng 23rd birthday sa loob ng kulungan sa Camp Crame nung June 1, 2014. Kanan: Mugshot ni Deniece mula sa Bureau of Corrections press release matapos madakip at ikulong nang ibaba ng Taguig Regional Trial Court ang hatol sa kanya at iba pa sa kasong serious illegal detention for ransom.
PHOTO/S: File / Bureau of Corrections
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results