Pitong buwan na ang ipinagbubuntis na sanggol ni Angeline Quinto at hindi maitatangging maligaya siya sa piling ng kanyang asawa na si Nonrev Daquina.
Babae ang kasarian ng ikalawang anak nina Angeline at Nonrev.
Read: Angeline Quinto announces pregnancy, baby’s gender
Kabilang ang mag-asawa sa mga bisita sa Table Love event ng businesswoman, chemist, at "Queen of Tablescaping" na si Pinky Tobiano na ginanap sa Pottery Barn, Central Square, BGC, Taguig City, ntong Huwebes ng hapon, Mayo 30, 2024.
Isa si Pinky sa mga ninang sa kasal nina Angeline at Nonrev na idinaos sa Quiapo Church noong Abril 25, 2024.
Read: Angeline Quinto at Nonrev Daquina, ikinasal sa Quiapo Church
Tuwang-tuwa si Angeline nang dumating sa Table Love event dahil sinabihan siya agad ni Pinky na ito ang magbabayad ng lahat ng mga bibilhin ng singer-actress para sa ipinagbubuntis nito—isa mga bentahe ng pagkakaroon ng mayaman na ninang.
“Sinabi ko kay Angeline na bilhin niya ang lahat ng gusto niya para sa baby niya. Ako ang magbabayad,” pahayag ni Pinky sa Cabinet Files tungkol sa inaanak niya sa kasal.
TABLESCAPING
Sa kabila ng pagiging abala sa kanyang mga negosyo, hindi nawawalan ng panahon si Pinky sa tablescaping dahil isa ito sa mga nakapagpapasaya sa kanya.
Ang tablescaping ay isang artistikong pag-aayos ng mesa, gamit ang iba’t ibang mga dekorasyon, bulaklak, at nagtatampok sa mga koleksiyon bilang mga centerpiece.

Nakahiligan ito ni Pinky kaya ibinabahagi niya sa mga kaibigan ang kanyang talento.
Berde ang color motif ng Table Love event ngayong Huwebes.
Berde rin ang kasuotan ni Pinky dahil "sustainability" ang pinili niyang tema ng pagtitipon.

Dahil sa dami ng mga pinagkakaabalahan ni Pinky, eksklusibo na lamang para sa Opulence, Versace, Dolce & Gabbana, Fornasetti, at Sambonet ang kanyang tablescaping.
Ang abilidad ni Pinky sa pag-aayos ng mesa ang dahilan kaya nabigyan siya ng sariling lifestyle program sa TFC noong panahon ng coronavirus pandemic, ang Table Love by Pinky na may labing-apat na kabanata.
Sina Moira dela Torre at Yeng Constantino ang ilan sa mga showbiz personality na nakaranas sa kakayahan ni Pinky bilang Queen of Tablescaping.
Suportado fin siya ng kanyang asawa na si Juanch Robles.