PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax sexy star Chloe Jenna, papasok sa military training

Vivamax sexy star Chloe Jenna, hasa sa teatro.
Published May 20, 2024
chloe jenna vivamax
Chloe Jenna on her return to theater: “Iba talaga yung feeling na six months kami nagre-rehearse. Para nga akong nangalawang dahil hindi ko na alam, nasanay ako sa galaw sa movies.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Nakatakdang pumasok sa military training sa Hunyo 2024 ang Vivamax sexy star na si Chloe Jenna dahil kabilang sa bucket list niya ang maging army reservist.

Bukod sa kanyang adbokasiyang women empowerment, dating heneral at pulis ang mga lolo ni Chloe kaya nananalaytay umano sa dugo niya ang maglingkod sa bayan.

Read: Vivamax, ipinakilala ang bagong aabangang sexy stars

"Papasok po ako sa military bilang army reservist," deklara ni Chloe nang humarap siya sa media conference ng Serbidoras, ang pelikulang mapapanood sa Vivamax simula sa Mayo 27, 2024.

Pagpapatuloy niya: "Nasa bucket list ko talaga at advocacy ko rin para sa women empowerment na hindi lang ganda, hindi lang katawan.

“Meron kaming serbisyo talaga na gusto naming ibalik sa tao kasi wala naman po ako dito kung wala po yung mga sumusuporta sa akin.

“Matagal ko na po itong gusto kasi ang mga lolo ko, isang dating general, isang pulis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko sila naabutan pero ang feeling ko, dahil nasa dugo rin po namin at dahil sa UP ako nag-college, talagang para sa bayan at para sa tao [ang gagawin ko].

“Hindi po mawala sa akin na gusto kong magserbisyo kahit papaano. At the same time, pinu-pursue ko ang pangarap ko sa Vivamax.”

Read: Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, grumadweyt bilang Philippine Air Force reservist

CHLOE JENNA: FROM THEATER ACTRESS TO VIVAMAX SEXY STAR

Hindi maiiwasang nakararanas ng diskriminasyon ang mga artistang napapanood sa mga pelikula at original series ng Vivamax dahil sa paghuhubad nila at pagpayag gawin ang mga maseselang eksena.

Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?

Lingid sa kaalaman ng mga mapanghusga at mga moralista, mga edukado at mula sa mga disenteng pamilya ang karamihan sa kanila dahil ginagamit lamang nila ang paghuhubad para matupad ang pangarap maging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga hindi nakakaalam, BA Theater Arts student si Chloe Jenna sa University of the Philippines at hasang-hasa siya sa pag-arte sa entablado.

“Mag-o-open kami ngayong June 2024 ng Alab at Usok sa Circuit Makati,” kuwento ni Chloe tungkol sa bagong stageplay na gagawin niya na Filipino adaptation ng Summer and Smoke ni Tennessee Williams.

“Ito po yung pagbabalik ko sa teatro. Ang last play ko was 2019 sa UP Diliman po, before the pandemic, ang Fuente Ovejuna, kay Sir Tony Mabesa.

“Thesis ko rin siya actually kaya sobrang saya ko dahil first home ko ang entablado.

“Iba talaga yung feeling na six months kami nagre-rehearse. Para nga akong nangalawang dahil hindi ko na alam, nasanay ako sa galaw sa movies.”

May ibubuga si Chloe sa pag-arte dahil sa mga karanasan niya sa entablado na kanyang nagagamit sa mga proyekto niya sa Vivamax.

Samantala, kasama ni Chloe sa Serbidoras sina Denise Esteban at Aila Cruz.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Vivamax, ano ang ambag sa entertainment industry?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chloe Jenna on her return to theater: “Iba talaga yung feeling na six months kami nagre-rehearse. Para nga akong nangalawang dahil hindi ko na alam, nasanay ako sa galaw sa movies.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results