Malambing, tahimik, at matalino ang mga katangian ni newly appointed Miss U.S.A. 2023 Savannah Mari Gankiewicz.
Read: Savannah Gankiewicz appointed new Miss USA 2023
Ito ang paglalarawan mula kay ABS-CBN entertainment news reporter Ganiel Krishnan, ang Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International winner noong 2016.
Personal na nakilala ni Ganiel si Savannah nang sumali ito sa 49th Mutya ng Pilipinas na ginanap noong Agosto 4, 2017 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Pasay City.
"She’s the sweetest, she’s very quiet and very composed all the time. We love her so much because she’s very smart too," sabi ni Ganiel nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Sabado, Mayo 18, 2024.

Dalawampu’t isang taon at neneng-nene pa ang hitsura ni Savannah nang maging kinatawan ito ng Hawaii sa 49th Mutya ng Pilipinas.

Siya ang kinoronahan na Mutya ng Pilipinas Overseas Filipino Communities noong Agosto 4, 2017 at tumanggap ng special award na best in swimsuit.

Nagkaroon ng pagkakataon si Ganiel na makilala ang lahat ng mga kandidata ng 49th Mutya ng Pilipinas dahil siya ang outgoing queen bilang Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International 2016.
Makalipas ang anim na taon, sumali si Savannah sa 72nd Miss U.S.A. dahil siya muli ang kinatawan ng Hawaii.
Hinirang si Savannah na 1st runner-up, Best in Interview at Best State Costume sa 72nd Miss USA na idinaos noong Setyembre 29, 2023.
Ang Filipino designer na si Patrick Isorena ang gumawa ng kanyang winning costume.

Nakaguhit sa palad ni Savannah na lumahok sa 73rd Miss Universe na magaganap sa Mexico bago matapos ang 2024 dahil nagbitiw sa tungkulin si Miss U.S.A. 2023 Noelia Voigt.
Si Savannah ang pangalawang Filipina-American na magiging kinatawan ng U.S.A. sa Miss Universe dahil si R’Bonney Gabriel ang unang hinirang na 71st Miss Universe noong Enero 14, 2023.
Isa si Savannah sa mga makakalaban ng masuwerte na kandidata sa Miss Universe Philippines 2024, na magwawagi sa coronation night na magaganap sa Mayo 22, 2024 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.
Read: Why Evangeline Pascual turned down Miss World title in 1973