May opinyon ang 90.7 Love Radio DJ na si Diego Michael Fantinalgo, a.k.a. Diego Bandido, tungkol sa pagpapakasal sa kapwa lalake ng True Faith vocalist na si Medwin Marfil.
Nag-isang dibdib sina Marfil at Mark Angeles noong Mayo 11, 2024 sa Pacifica, California, kunsaan legal ang same-sex marriage.

Read: Medwin Marfil opens up on same-sex marriage
Kontrobersyal ang mga pahayag ni Diego dahil naniniwala itong isang kasalanan ang same-sex marriage.
Read: True Faith’s Medwin Marfil now married to male partner
Si Diego ay isang Christian at aktibong miyembro ng Living Grace Christian Church.
DIEGO BANDIDO ON ISSUE OF MORALITY
Matapang na inihayag ni Diego ang kanyang pananaw sa live broadcast ng programa niya sa radyo noong Biyernes ng gabi, Mayo 17, 2024.
"Nagulat ang lahat kay Medwin Marfil, ito po yung bokalista ng '90s OPM band na True Faith na kung saan recently po ay ikinasal sa batchmate niyang kapwa lalake," bungad ni Diego.
"Ito po yung kauna-unahang lumabas po sa public at sinabi ni Medwin na isa siyang bakler."
Sabay sabi niya: "Logic-an na yan," ani Diego
"Anong leksyon ang ating mapupulot? Anong aral ang ating madudukot?
"Alam ninyo, sa totoo lang, nakakalungkot."
Personal opinion daw niya ang mga sumunod niyang salita.
"Personally, this is my opinion, nakakalungkot po na parang basic po sa panahon ngayon na gawin yung mga kasalanan, di ba?
"I’m sorry, but I have to be bold with this opinion when it comes to this issue.
"Marami po tayong mga kaibigan na gay, maaaring kamag-anak or anak.
"Sa totoo lang po, masarap silang kausap, di ba, dahil masayahin po sila at wala po akong problema dun."
Nagbitiw si Diego ng mga salitang aniya'y nakasaad sa Bibliya.
"Now mga Kabisyo, logic-an po natin. Saan ba nagka-cross yung line when it comes to morality?
"Malinaw po na binabanggit yan sa Bible kung naniniwala po kayo na may Panginoon, na dalawa lang po ang nilikha ng Diyos, isang babae at isang lalake."
Sabay hirit niya, "Wala pong alien."
Hindi tama ang pang-iinsulto niyang "alien" sa isang LGBT member.
Patuloy ni Diego, "Isang babae at isang lalake, ganun lang po. Wala pong kalahati. Malinaw po yan.
"Sa totoo lang po, ang problema, alam natin kung minsan yung mali, hahanapan natin ng paraan.
"Parang dyina-justify natin yung ginagawa natin na, 'Okay lang ito,' kaya karamihan po, nangingibang bansa at dun nila ginagawa yung mga bagay na hindi dapat gawin."
Punto niya, hindi tao ang mali kundi ang aksyon nito.
"Ang problema kasi dito, hindi yung tao kundi yung ginagawa na kasalanan ng tao.
"So, if we have to condemn something, hindi po yung tao kundi yung kasalanan na ginagawa ng tao."
DIEGO BANDIDO CITES BIBLE VERSE
Para patunayan ang basehan ng kanyang opinyon, binanggit ni Diego ang paraphrase niya sa isang passage mula sa Old Testament ng Banal na Bibliya.
Aniya, "Minsan po, naibahagi ko na dito sa programa natin. Pero let me share it with you once again.
"Ito po ay ayon sa Leviticus chapter 20, verse 13, ito ang sinasabi ng Bible, 'Kung ang isang lalake ay sumiping sa kapwa lalake, pareho silang dapat patayin dahil pareho silang gumagawa ng kasuklam-suklam na gawain. Sila ang responsable sa sinapit nilang kamatayan.'
"Ito po ay hindi ko salita. Hindi ito salita ng tao, but salita po ng Diyos ito.
"This is from the Bible."
Sa huli, sabi ulit niya, "Again, we must not condemn the person, but condemn the sin para mailayo po natin sila sa kapahamakan."