Ang sexy actor na si Benz Sangalang ang bidang lalake sa Balinsasayaw.
At sa trailer ng pelikula, "Vivamax King" ang pagpapakilala sa kanya na ikinatuwa niya nang husto.
Read: Benz Sangalang, ibinahagi kung paano pinaslang ang ina; hiling niya ay hustisya
Ikinagulat ni Benz ang deklarasyon na siya ang lehitimo na Vivamax King dahil nanggaling ang desisyon at pagkilala mula sa mga executive producer ng nangunguna ngayong Filipino streaming site.
Meron nang labing-isang milyong subscribers ang Vivamax.
"Sa totoo lang po, napakasaya ko nung inilagay nila yan kasi may approval naman ng Viva management.
"Sobrang saya ko. Dahil sa sobrang saya ko, ini-screenshot at ipinost ko, pero may mga hindi magagandang reaksyon mula sa iba," sagot ni Benz nang itanong ng Cabinet Files ang pakiramdam niya sa bansag sa kanya na Vivamax King.
Hindi maiiwasan na may mga taong hindi kumbinsido na karapat-dapat si Benz na tawaging Vivamax King kaya may depensa siya sa mga nang-iintriga sa kanya.
"Huwag nilang masamain," ang pakiusap ni Benz.
"Masaya rin naman ako para sa ibang mga lalake na kasamahan ko sa Vivamax na marami rin projects .
"Hindi ko rin naman expected na ibibigay sa akin yung title dahil ini-earn mo yan. Paghihirapan mo para makuha mo.
"Kung hindi sila masaya para sa akin, okay lang. Ang sa akin lang, pinaghirapan ko at papatunayan ko na lang na deserve ko talaga kasi may mga project pa naman ako na kasunod."
Read: Sexy actor Benz Sangalang says acting helped him manage this self-confessed vice
VIVAMAX DIRECTOR'S REACTION TO BENZ'S TITLE
Totoo ba na kabilang ang isang Vivamax director sa mga umalma sa kanyang Vivamax King title?
"Hindi naman tayo sure. Baka nagkakamali lang kami," sagot ni Benz.
"Ayokong magkaroon ng kaaway sa showbiz. Kung kailan maganda na yung takbo ng career ko, baka isipin nila na, 'Yumayabang na ito porke nabigyan ng title.'
"Baka na-misinterpert lang nila yung reaction ko, yung pag-screenshot at pag-post ko dahil proud po ako siyempre."
Ano ba ang mga kuwalipikasyon para maging Vivamax King?
"Hindi po ako ang makapagsasabi niyan, pero siguro yung hard work ko. Lahat naman kami may iba-ibang klase ng looks, talent, genre at peg.
"Siguro natiyempuhan lang ako. Siguro may nakita lang sa akin ang mga boss."
Read: Vivamax actor Benz Sangalang magbibida sa sequel ng Totoy Mola
BENZ SANGALANG REMEMBERS MOM
Masaya si Benz sa kanyang title, pero may lungkot siyang nararamdaman dahil hindi na nasaksihan ng kanyang ina na natupad ang pangarap nitong maging artista siya.
Labing-anim na taon ang edad ni Benz nang paslangin noong Oktubre 1, 2012 ang kanyang ina na si Beth Portus sa tahanan nila sa Pandi, Bulacan.
Hindi pa nakakamit ni Benz ang hustisya na pinakamimithi nito para sa nanay niya.
Pero kung nabubuhay raw ito, tiyak na maligayang-maligaya dahil nakapasok ang kanyang anak sa showbiz.
Iniaalay niya raw sa kanyang ina ang lahat ng mga tagumpay na tinatamasa niya sa kasalukuyan.
"Sigurado po napakasaya niya kasi talagang stage mother siya.
"Kapag may nararating ako, mas nalulungkot ako. Masaya ka, pero nalulungkot ka dahil kulang. Imbes na kasama mo siya sa saya…"
Sabay sabi rin ni Benz, "Ganoon ho talaga ang buhay. Hindi lahat ibibigay sa iyo.
"At kaya siguro ka pinagpapala dahil may ibang mga nawala sa iyo."
Naghahanap ka pa ba ng hustisya para sa nanay mo na pinatay?
Sagot uli ni Benz, "May mga nagsabi sa akin na wala na raw akong babawian dahil parang namatay na rin daw yung suspect.
"Siguro ginawa na rin yon ni God para hindi na ako gumawa ng masama."