Nakansela ang pagdinig sa kaso ni Ricardo Cepeda sa Regional Trial Court ng Aparri, Cagayan noong Mayo 7, 2024.
Kanselado rin ang pagharap ni Ricardo sa korte sa Mayo 13, 14, at 15, dahil muling magkakaroon ng seminar ang mga prosecutors.
Tuloy, naantala ang pagdinig sa kasong syndicated estafa na isinampa sa mga korte ng Aparri at Sanchez Mira laban sa kanya.
Sa tuwing hindi natutuloy ang mga pagdinig sa kaso ni Ricardo, nangangahulugan ito ng pag-extend ng pananatili niya sa kulungan.
Nakabilanggo si Ricardo sa Provincial Jail ng Cagayan sa Tuguegarao mula pa noong Nobyembre 2023.
Read:
Ricardo Cepeda "wrongfully accused," says stepson; still detained at Camp Karingal
Ricardo Cepeda speaks up about syndicated estafa case: “Hindi ko alam na sinama nila ako.”
Marina Benipayo on hate comments after partner Ricardo Cepeda's arrest: “Hindi niyo kami kilala.”
RICARDO, PUSPUSAN ANG PAG-AARAL HABANG NASA KULUNGAN
Ayon sa mga dumadalaw kay Ricardo sa kulungan, ang pagbabasa ng mga libro na ipinadala ng kanyang mga anak at ng partner niya na si Marina Benipayo ang libangan ng aktor.
Malaki ang naitutulong kay Ricardo ng pagbabasa ng mga libro dahil nadaragdagan ang kanyang kaalaman, lalo na sa kasong kinasasangkutan niya.
Una siyang ikinulong sa Camp Karingal, Quezon City, matapos arestuhin sa Caloocan City noong Oktubre 7, 2023.
RICARDO, PROUD SA KANYANG MILITARY EXPERIENCE
Sa mga hindi nakakaalam, isang military general ang ama ni Ricardo, at ito ang nagpasok noon sa kanyang anak sa Philippine Military Academy.

Noong baguhang artista si Ricardo, nagkuwento siya tungkol sa kanyang buhay sa PMA.
“Galing ako sa high school, bigla akong nag-military life kaagad. Nandoon ako sa PMA bilang kadete, walang mommy, walang daddy, kayo-kayo lang,” ang sabi ni Ricardo at ngayong nakakulong ito sa isang lugar na malayo, muli niyang naranasan na mapawalay sa kanyang pamilya.
Walang piyansa o non-bailable ang syndicated estafa kaya mali ang mga akala na nakalabas na si Ricardo mula sa piitan dahil nga wala nang nabalitaan tungkol sa kanya buhat nang dalhin siya sa Provincial Jail ng Cagayan.
RICARDO, PATULOY NA PINANININDIGAN ANG PAGKA-INOSENTE
Sa mga nakaraang panayam kay Ricardo, sinabi niyang celebrity ambassador siya ng kompanya na inireklamo ng mga investor sat nadamay lamang siya sa syndicated estafa case.
Pinaninindigan ni Ricardo na inosente ito at nasasaktan siya sa mga batikos na ipinupukol sa kanya ng netizens na hindi alam ang tunay na kuwneto dahil ang mga headline lamang at hindi ang kabuuan ng mga ulat tungkol sa kaso niya ang binabasa.
Read:
Ricardo Cepeda remains hopeful amid delays in hearing of syndicated estafa case
Ricardo Cepeda, binisita ng mga kapwa artista sa Camp Karingal
Ricardo Cepeda's brother seeks financial help for actor's legal expenses