PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax stars audition to be co-hosts of Willie Revillame

Audition para maging co-host ni Willie Revillame, dinagsa.
by Jojo Gabinete
Published
willie revillame contract signing
Nagsimula na ang paghahanap sa magiging co-host ni Willie Revillame sa bagong game show nito sa TV5 kahapon, May 8, 2024,

Dinagsa ng mga nangangarap maging co-host ni Willie Revillame sa bagong game show nito sa TV5 ang audition na ginanap sa Wil Tower Mall, sa Eugenio Lopez Drive, Quezon City, noong Miyerkules, Mayo 8, 2024.

Read: Willie Revillame, nagpasalamat sa GMA-7 nang pumirma ng kontrata sa TV5

Nag-umpisa ng ala-singko ng hapon ang audition at inabot ito ng hatinggabi dahil sa dami ng mga sumali at nagpakitang-gilas.

Walang diskriminasyon na umiral dahil binigyan ng pagkakataon ang lahat na lumahok, kabilang ang sexy stars ng Vivamax na nagsipagdatingan at nag-aambisyong maging bahagi ng programa. n

Hindi pa naglalabas ng anunsiyo ang TV5 management tungkol sa petsa ng pagsisimula ng programa ni Willie.

Pero kumakalat na ang balitang mangyayari ito sa malawak na lugar para makapunta ang kanyang mga tagahanga at tagasuporta na matagal nang hinihintay ang pagbabalik niya sa telebisyon.

Read: TVJ at Willie Revillame, mga bagong haligi ng Kapatid network

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WILLIE REVILLAME VISITS TV5 STUDIO IN NOVALICHES

Bago inumpisahan ang audition, binisita muna ni Willie ang studio ng TV5 sa Novaliches, Quezon City, dahil ito ang magiging tahanan ng kanyang bagong programa sa Kapatid Network.

May espesyal na puwang sa puso ni Willie ang Novaliches studio ng TV5 dahil ito ang tahanan ng kanyang top-rating game shows—Willing Willie, WilTime Bigtime at Wowowillie—noong 2010 hanggang 2013.

Uumpisahan na ang renovation ng Novaliches studio ng TV5 para sa inaabangang homecoming ni Willie.

Kasama ni Willie na bumisita sa studio ang kanyang production staff, ang mga miyembro ng engineering department ng TV5, at si Sienna Olaso, ang executive vice president ng Channels and Content ng Signal TV.

willie revillame tv5 staff

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Willie Revilame with the production staff, engineering department, officiating priest, and Sienna Olaso at TV5 Novaliches studio

WILLIE WITH VANIE GANDLER

Nakunan ng litrato si Willie na kasama ng popular volleyball player na si Vanie Gandler, na binansagang "bagong Crush ng Bayan," pero walang ibang impormasyon tungkol sa kanilang pagkikita at pag-uusap.

willie revillame vanie gandler

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Willie Revillame and Vanie Gandler

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsimula na ang paghahanap sa magiging co-host ni Willie Revillame sa bagong game show nito sa TV5 kahapon, May 8, 2024,
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results