Plano ng dating That's Entertainment member na si Michelle Ortega na balikan ang kanyang acting career.
Sinabi ito ni Michelle sa Cabinet Files bago sila sumalang ng kanyang anak na si Ysabel Ortega saFast Talk with Boy Abunda na napanood ngayong Lunes ng hapon, Mayo 6, 2024.
Tinalikuran ni Michelle ang entertainment industry noong 21 years old lamang siya dahil sa relasyon nila ni Senator Lito Lapid.
Pero hindi nagtagal ang relasyon nila dahil tanggap ni Michelle na may hangganan o “lifespan” ang kanilang pagsasama bilang may tunay na pamilya ang lalaking kanyang minahal.
Read: Ysabel Ortega on speaking terms with father Sen. Lito Lapid; admits being closer to her stepdad
“Paano pinalaki si Ysabel na walang galit kay Senator Lito?” tanong ng host na si Boy Abunda kay Michelle.
Sinagot ito ni Michelle nang walang anumang pag-aalinlangan, pero kapansin-pansing hindi niya binanggit ang pangalan ng ama ng kanyang nag-iisang anak.
“In fairness, yung biological dad niya, naging mabuti naman po talaga sa kanya, lalo na nung time na kami pa.
“Always present siya. Very hands-on siya actually.
"So, hindi naman din ako yung tipo ng maninira at wala rin naman akong dapat isira kasi mabait naman po yung tao,” sagot ni Michelle.
MICHELLE ON TELLING YSABEL THE TRUTH ABOUT HER BIOLOGICAL DAD
Naging matapat si Michelle kay Ysabel tungkol sa sitwasyon nila noon ni Senator Lapid.
Lahad ni Michelle: “I had to be honest lang. So, sinabi ko sa kanya yung the kind of relationship that I had with her father, may lifespan lang yon.
“I did not see myself growing old with him because we all know that he has his own family.
"Parang I felt na it has to... na-reach na niya yung lifespan niya.
“At very happy ako kasi nagkaroon ako ng Ysabel, so naintindihan yon ng anak ko.
“Ysabel grew up knowing also na her father also has a family din talaga na tunay. I never lied to her.”
Si Senator Lito Lapid ay kasal kay Marisa Lapid. Mayroon silang apat na anak, kabilang na ang aktor at dating gobernador na si Mark Lapid.
May isa ring anak si Lito sa beauty queen-actress na si Melanie Marquez, si Manuelito.
Si Michelle Ortega naman ay ikinasal kay Police General Greg Pimentel noong 2018.
Read: Filipino celebrities surprising us with revelation they have a kid
YSABEL ORTEGA'S REACTION TO HER PARENTS' SEPARATION
Fifteen years old si Ysabel nang magdesisyon si Michelle na wakasan ang relasyon kay Senator Lito
Pero naunawaan daw ni Ysabel ang mga pangyayari dahil naging matapat nga ang kanyang ina.
Ayon kay Ysabel, “What I thought na lang about is kung saan magiging masaya ang parents ko.
"Yun ang mas pinarioritize ko kasi alam ko rin na when you stay in a relationship, kapag hindi kayo masaya, mas magiging miserable kayo if you stay just for the sake of it.
“I asked a lot of questions. Siguro what helped was my mom answered them all and she’s very honest with me.
"And if my mom was the type na itatago niya sa akin yung totoo, hindi ko siguro maiintindihan. Pero dahil naging tapat po siya sa akin, naintindihan ko po.”
Read: Ina ni Ysabel Ortega, kinumpirmang nanliligaw sa anak si Miguel Tanfelix
MICHELLE AND YSABEL: BEST OF FRIENDS
Matalik na magkaibigan ang pagsasalarawan ni Michelle sa relasyon nila ng kanyang anak.
Labis din niya itong ipinagmamalaki dahil mabait, masunurin, at responsable.
Pagmamalaki ni Michelle, “We are the best of friends.
"Very honest kami sa isa’t isa so parang magkasangga kami talaga. I am very, very proud of her.
“Very honest ako sa kanya. I don’t keep secrets para ganoon din siya sa akin.
"Magsasabi rin siya sa akin kung ano yung totoo and disiplina, diplomasya.
“Never ko siyang pinalo, never. Diplomasya lang talaga.
"Sadyang napakabait naman po ng anak ko. Very lucky ako."
Suportadong-suportado rin ni Michelle ang showbiz career ni Ysabel.
“Bata pa lang mahilig na siya na mag-artista. Sinasabi po niya, 'Mama, I wanna be like Papa. I wanna be like you. Mama, I want to act, I want to sing,'” kuwento ni Michelle.