PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios, napaluha sa Pinoy pageant fans

"She's so touched..."
by Jojo Gabinete
Published May 5, 2024
Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios
Napaluha si Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios dahil sa mainit na pagsalubong ng Pinoy pageant fans na dumalo sa motorcade niya na ginanap ngayong Linggo, Mayo 5, 2024, sa SM Mall of Asia complex.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines on Facebook

Eksaktong 5:23 p.m. nang magsimula nitong Linggo nang hapon, Mayo 5, 2024 ang motorcade ni Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios sa paligid ng Mall of Asia (MOA) Complex, Pasay City.

Sheynnis Palacios

Pero bago pa siya sumakay sa kotse na napapalamutian ng mga asul, pula, puti, at dilaw na bulaklak ng rosas, hindi napigilan ng 23-year-old Nicaraguan beauty queen ang pagpatak ng luha nito dahil kitang-kita at ramdam na ramdam niya ang pagmamahal at mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios, dumating na sa Pilipinas

Sheynnis Palacios

Panay ang pahid ni Sheynnis sa mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya at bago umandar ang sasakyan, pinagdikit ng beauty queen ang mga palad, pumikit at yumuko bilang simbolo ng kanyang pasasalamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sheynnis Palacios

“She’s so touched. She was so happy with the love and warmth she received [from the Filipino people],” pahayag ni Elgin Victoria Santos ng Empire.PH sa Cabinet Files tungkol sa madamdaming eksena ni Sheynnis na nasaksihan ng ating mga kababayang binalewala ang mainit na panahon at nagpunta sa MOA para abangan at makita nang personal ang reigning Miss Universe.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mananatili si Sheynnis sa Pilipinas hanggang Mayo 7, 2024 dahil kabilang ang ating bansa sa kanyang Asian tour.

Sheynnis Palacios

Bukod sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino, labis na nadala ang damdamin ni Palacios sa pagsigaw ng mga Pilipino sa “Nicaragua,” ang bansa na kanyang pinagmulan at binigyan ng malaking karangalan nang manalo siyang Miss Universe sa El Salvador noong Nobyembre 18, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa kasamaang-palad, hindi makabalik si Palacios sa sariling bayan dahil sa mga usapin sa pulitika at ito ang posibleng dahilan kaya tuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha nang yakapin niya ang watawat ng Nicaragua habang nagaganap ang motorcade sa MOA.

Read: Sheynnis Palacios di pa nakakabalik ng Nicaragua matapos manalong Miss Universe 2023

Bago siya umalis sa Pilipinas sa darating na Martes, isang invitational sponsors night ang idaraos at dadaluhan ni Sheynnis bilang pasasalamat ng Empire.PH, ang organisasyon na punong-abala sa pag-aasikaso sa pagbisita sa ating bansa ng Nicaraguan beauty queen.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Napaluha si Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios dahil sa mainit na pagsalubong ng Pinoy pageant fans na dumalo sa motorcade niya na ginanap ngayong Linggo, Mayo 5, 2024, sa SM Mall of Asia complex.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results