Malaki ang pasasalamat ni Pepe Herrera sa partner nitong si Sarah “Sam” Mallari dahil ito raw ang patuloy na gumagabay sa kanya.
Hindi pa kasal sina Pepe at Sam dahil inuna nila ang pagpapatayo ng bahay, pero “my wife” ang tawag niya sa ina ng kanyang dalawang anak.
“She’s a very private person, pero my wife, si Sam, I consider her my wife pero hindi pa po kami kasal because of practical reasons.
“Supposed to be, nung start ng pandemic, gusto namin. But when we were planning it, na-realize namin, ayaw naming pumili sa mga kaibigan.
“Gusto namin, lahat sila imbitado, so medyo malaking wedding ang tinutukoy namin.
“We had to decide kung uunahin ba namin yung bahay. Because she was pregnant during that time, we decided to start with our dream home.
"Nagkataon pong interior designer siya, she’s very familiar with the costing, with the timeline… kaya pinagkatiwalaan ko siya.
"And we finally decided together na unahin yung bahay.
“Kapag naitayo na yung bahay, we will start planning again for our wedding,” kuwento ni Pepe sa naganap na media conference ng Bantay-Bahay tungkol sa kanyang personal na buhay.
Ang Bantay-Bahay ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na pinagbibidahan ni Pepe at nagbukas sa mga sinehan noong Mayo 1, 2024.
Read: Pepe Herrera, bakit hindi tumatanggap ng straight horror movie?
PEPE HERRERA BECOMES FRUGAL
Buhat nang magsama sila ng kanyang misis at magkaroon ng mga anak, natuto si Pepe maging masinop sa pera—na hindi niya ugali noong binata pa siya.
Lahad ni Pepe, “Mas natututo akong mag-manage ng pera ko. Kasi before, when I started in show business, gastos lang ako nang gastos bilang bachelor. Mahilig kasi akong manglibre.
"Hindi ko kasi siya nagagawa nung bata ako. Ang sarap pala sa pakiramdam na ‘Tara, labas tayo. Yayain mo ang tropa mo, sagot ko.’
“I guess, nakakahawa kasi yung happiness kapag nakita mo na masaya sila. I feel happy also so it’s contagious.
“Hindi ako nagkukuwenta. Actually ngayon, hindi ako pinaggo-grocery ng misis ko kasi hindi ko tinitingnan yung presyo.
“Hindi talaga ako magaling sa ganyan, that’s why I am grateful that I have my wife to teach me how I can be wiser with money.
“Right now, thankful ako, nagpapatayo kami ng bahay sa Antipolo. Hopefully, by the end of this year, doon na kami nakatira.
"Yun kasi ang pangarap ko, makatira sa probinsiya pa rin pero malapit sa siyudad."
PEPE HERRERA IS A VEGAN
Maliban sa pag-arte sa pelikula, telebisyon, at teatro, walang ibang pinagkakakitaan si Pepe pero sinusuportahan nito ang food business ng misis niya.
“I am currently supporting the business of my wife which is her food business.
“Vegan ako, plant-based lang ang kinakain ko. I don’t eat meat products,” sabi ni Pepe.
Natutuwa at kinikilig si Pepe dahil plant-based food na ang negosyo ng kanyang asawa.
“Right now, nakakakilig din na marami ang nasasarapan, marami kaming natutulungan. Kasi marami rin siyang customers na cancer-recovering patients.
"May injuries na nag-prescribe ang doctors nila to go plant-based.
"So, nakakatuwa na yung simpleng diet na pinili ko, in-adapt ni misis sa kanyang business at, ngayon, marami siyang napapaligaya at natutulungan.”