Nagkita-kita ang mga bagong poste ng Kapatid Network na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at Willie Revillame sa isang hapunan na naganap sa Meralco Lighthouse, Pasig City, ngayong Biyernes ng gabi, Mayo 3, 2024.
Ang salu-salo ay pinangunahan ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan.
Read: MVP on choosing between It’s Showtime and TVJ: “It was just a purely business decision.”
Ang hapunan na nangyari ang unang pagkakataong muling nagkasama-sama ang mga host ng Eat Bulaga! at ng Wowowin matapos ang matagal na panahon.
Mainit ang pagsalubong at pagbati ng TVJ at ni Willie sa isa’t isa. Inaasahang lalong magiging matibay ang kanilang pagkakaibigan dahil nasa iisang tahanan na sila.

Tito, Vic & Joey, Willie Revillame (in white polo), and Viva big boss Vic del Rosario (beside Willie) in one table; behind them are Kiko Estrada (nearest to Vic), Aga Muhlach (seated on the blue couch), and some new TV5 stars.
Dumalo rin sa pagtitipon ang executives ng Viva Entertainment, sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario; Regal Entertainment Inc. producer Roselle Monteverde; at ang Muhlach family—Aga, Charlene, at ang kanilang kambal na anak na sina Atasha at Andres.
Naroon din ang mga bida ng Da Pers Family, ang bagong sitcom ng Muhlach family sa TV5 na malapit nang mapanood.
Read: Muhlach family, bibida sa TV5 sitcom na Da Pers Family
MVP THANKS TVJ AND WILLIE
Pinasalamatan ni MVP ang mga host ng Eat Bulaga! at si Willie dahil kapamilya na ng TV5 ang mga nabanggit na personalidad.
“I’d like to thank our partners, Boss Vic, Willie, of course TVJ, good friends now.
"I recall the day when it became a milestone event for TV5 and MediaQuest of this move and now we welcome back Willie as well.
“Thank you for being part of TV5 family.
"Thank you and actually, kung tumataba ang puso ninyo, tonight, I feel privileged to be with you and see the progress of TV5 has made these past few months,” bahagi ng pasasalamat ni MVP sa mga sikat na showbiz personality na bahagi na ngayon ng kanyang television network.
Read: Willie Revillame, nagpasalamat sa GMA-7 nang pumirma ng kontrata sa TV5

MVP with the TV5 stars