Nakabilanggo na si Deniece Cornejo sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
Inilabas na rin ng Bureau of Corrections ang mugshot niya.
Pero may mga nagdududang baka hindi si Deniece ang babae sa mugshot na inilabas ng BuCor dahil para sa kanila ay iba ang hitsura nito.
Read: Deniece Cornejo, diretso sa kulungan matapos mahatulang guilty

Pero malaki ang posibilidad na nagbago nga ang hitsura niya dahil wala siyang makeup sa mugshot.
Bukod dito, kahit tinakpan ang mga mata sa inilabas na mugshot, mababanaag sa mukha ang matinding pagod na nararamdaman na hindi na katakataka dahil sa masaklap na nangyari sa kanyang buhay.
Makikita sa unang mugshot ni Deniece, na kuha noong Mayo 5, 2014, at sa pinakabagong mugshot niya, na kuha nito lamang Mayo 2, 2024, na pareho ang kanyang tangkad, ilong at labi—kaya walang dahilan para mag-alala ang netizens na nagdududa.

Marami ang nagimbal sa sinapit ni Deniece, lalo na ang pamilya niya at mga kaibigan.
Kaya isang araw matapos siyang hatulan ng korte ng Taguig City ng habambuhay na pagkabilanggo—kaugnay ng kasong serious illegal detention for ransom na ikinaso sa kanya ng komedyante at TV host na si Vhong Navarro—hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kanyang mga kamag-anak at tagapagtanggol.
Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo guilty in serious illegal detention case
CEDRIC LEE'S MUGSHOT
Hindi naman ikinatuwa ng ilang netizens ang inilabas ng Bureau of Correction na mugshot ng businessman na si Cedric Lee.
Nakangiti kasi ito at parang hindi apektado sa parusang habambuhay na pagkakakulong na ipinataw sa kanya matapos mapatunayang guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa rin ni Vhong Navarro.
Tuloy napapatanong sila kung may nalalaman bang parating na good news si Cedric na walang kaalam-alam ang publiko.

Read: Cedric Lee maintains innocence amid conviction
Nakangiti rin si Cedric sa mga video na kuha ng iba’t ibang TV news programs na sinadya siya sa National Bureau of Investigaton (NBI) office sa Quezon City matapos niyang sumuko.
Read: Cedric Lee voluntarily surrenders after guilty verdict in serious illegal detention case

CEDRIC LEE'S BLOOD PRESSURE
Pero tila ipinagkanulo si Cedric ng kanyang mataas na blood pressure, na isang pahiwatig na apektadong-apektado siya sa hatol ng korte.
Nakadagdag din ang matinding init ng panahon sa stress na nararamdaman ni Cedric kaya marahil hindi siya nakapunta sa Regional Trial Court ng Taguig City para basahan ng disposisyon at matukoy ang bilangguang pagkukulungan sa kanya.
Read: Cedric Lee at mga kapwa-akusado, hindi na kasya sa National Bilibid Prison -- BuCor
Ang NBI Medico Legal Officer na si Dr. Joseph Cruz ang humarap sa media at nagpaliwanag tungkol sa kalagayan ng kalusugan ni Cedric.
“The latest vital sign is hypertensive at 180/100 millimeter mercury. Tachycardic, mabilis ang tibok ng puso, 107 beats per minute,” pahayag ni Dr. Lopez.
Pero hindi raw kailangang dalhin sa ospital ang businessman na mananatili muna sa NBI office dahil sarado ang korte ng Taguig City tuwing Sabado at Linggo.