Ang pinakabagong kabanata: Hindi maaaring ikulong sina Cedric Lee, Simeon Raz, at Ferdinand Guerrero sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Read: Cedric Lee sa National Bilibid Prison ikukulong; Deniece Cornejo, nasa Correctional na
Sina Lee, Raz, at Guerrero—kasama ang modelong si Deniece Cornejo—ay mga nahatulan ng guilty sa kasong serious illegal detention for ransom na isinampa ng TV host-actor na si Vhong Navarro.
Base sa desisyong binasa ni Judge Mariam Bien ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 kahapon, Mayo 2, 2024, reclusion perpetua o life imprisonment ang ipinataw na parusa sa apat.
Read: Cedric Lee, Deniece Cornejo found guilty in Vhong Navarro serious illegal detention case
Nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections sina Lee at Raz.
Si Cornejo naman ay nakapiit na umano sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.
Si Guerrero ay patuloy na nagtatago hanggang ngayon.
Dahil nasentensiyahan na sila ng habambuhay na pagkakakulong, "persons deprived of liberty" o PDL na ang tawag kina Lee, Raz, Guerrero, at Cornejo.
Ngunit hindi gaya ng inaasahan, hindi sila dadalhin sa National Bilibid Prison.
Ito ay ayon sa latest statement ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr., na nagsabing masyadong masikip na ang mga selda sa Bilibid sa dami ng bilanggo.
Hahanapan pa raw nila ng pagdadalhan kina Lee, Raz, at Guerrero.
Pahayag ni Catapang sa inilabas na statement ngayong Biyernes, May 3: “Since we are no longer allowed to accept any more PDLs at the NBP and with the ongoing decongestion program being implemented, I have ordered NBP Supt., C/CINSP Roger Boncales, to determine where they will be committed, just like any other newly committed PDLs.”
Read: Dating aktor na si Dennis da Silva, nag-50th birthday sa loob ng Bilibid
NATIONAL BILIBID PRISON: "WORST SUPERMAX PRISON"
Sa dating panayam ni Catapang sa GMA News noong Hulyo 31, 2023, inilarawan niya ang National Bilibid Prison bilang "worst supermax prison."
Anim na libo ang maximum capacity ng NBP, pero 30,000 ang bilang daw ng mga PDL na nakakulong dito, na nagsisiksikan at nagdurusa dahil sa matinding init ng panahon.
“Hindi naman sila maipasok lahat sa selda. Gabi na, yung nasa labas sila natutulog, nahahamugan lalo na ngayon pag umulan tuluy-tuloy. Walang patid,” lahad noon ni Catapang sa GMA News.
Read: Vhong Navarro, Deniece Cornejo legal tussle: A Timeline
RICARDO CEPEDA'S JAIL EXPERIENCE
Hindi lamang ang National Bilibid Prison ang may malaking problema sa parang sardinas na pagsisiksikan ng mga PDL dahil nararanasan din ito sa mga kulungan sa Metro Manila at ibang panig ng Pilipinas.
Nakakulong ang aktor na si Ricardo Cepeda sa Cagayan Provincial Jail mula pa noong Nobyembre 2023 dahil sa kasong syndicated estafa.
Nakabilanggo man siya sa lalawigang napakalayo mula sa pamilya niyang nasa Metro Manila, maituturing pa ring mapalad si Ricardo dahil maayos ang kalagayan sa kanyang kulungan sa Cagayan Provincial Jail.
Read: Ricardo Cepeda remains hopeful amid delays in hearing of syndicated estafa case
Labindalawa lamang ang mga PDL sa seldang kinalalagyan ni Ricardo. May mga kama sila at electric fan.
Malayung-malayo ito sa kulungan na pinanggalingan niya bago siya inilipat sa Cagayan Provincial Jail.
Limampu ang bilang ng mga PDL sa bilangguan na unang pinagdalhan kay Ricardo nang dakpin siya sa Caloocan City noong Oktubre 7, 2023.
Read: Ricardo Cepeda "wrongfully accused," says stepson; still detained at Camp Karingal
Lahad ni Ricardo tungkol sa kondisyon sa dati niyang selda bago siya dinala sa Cagayan Provincial Jail: “Palitan ng puwesto. May oras kung kailan ka puwedeng mahiga kasi hindi kasya dahil fifty-plus minsan ang nakakulong.
“Lahat kailangan nakaupo. The most you can do is nakaupo ka lang sa floor at hindi ka puwedeng gumalaw masyado dahil magkakabanggaan kayo.
“Hati-hati sa oras. Itong batch muna ang hihiga kasi ‘yung iba tatayo at uupo. Hindi makakaya na lahat sabay-sabay nakahiga.”
Pero sa Cagayan Provincial Jail ay higit na komportable ang aktor dahil maayos daw ang pagpapatakbo ni Cagayan Governor Manuel Mamba at ng provincial warden na si Tommy Abugay.
Wala umanong special treatment na natatanggap ang mga PDL sa Cagayan Provincial Jail dahil pantay-pantay ang trato sa kanila.
PHP60 ang budget para sa pagkain nila sa agahan, tanghalian, at hapunan. Sa halagang dalawampung piso sa bawat pagkain o meal, isang itlog, isang piraso ng galunggong pero unli rice ang rasyon para sa mga PDL.