PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios, dumating na sa Pilipinas

Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios, babalik kaya sa Miss Universe PH 2024?
by Jojo Gabinete
Published May 1, 2024
sheynnis palacios miss universe 2023
Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios is expected to arrive in the Philippines on May 1, 2024 as part of her Asian tour.
PHOTO/S: @missuniverse on Instagram

Limang araw na mamamalagi sa Pilipinas si Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios ng Nicaragua.

Nakatakda siyang dumating ngayong Miyerkules, Mayo 1, 2024.

May kinalaman ang Asia tour ni Sheynnis sa pagbisita niya sa Pilipinas.

Ang Thailand, Laos, Cambodia, at China ang mga bansang nauna nang pinuntahan ni Sheynnis.

Pero hindi pa rin siya nakauuwi sa Nicaragua mula nang manalo siyang Miss Universe noong Nobyembre 18, 2023 sa El Salvador dahil sa mga usaping may kinalaman sa pulitika.

Read: Sheynnis Palacios di pa nakakabalik ng Nicaragua matapos manalong Miss Universe 2023

Mabibigyan ng pagkakataon ang Philippine media na makaharap at makausap si Sheynnis dahil isang media conference ang idaraos para sa kanya.

Pagkatapos ng pagdalaw niya sa Pilipinas, lilipad ang reigning Miss Universe sa India sa Mayo 7, 2024.

Hindi pa tiyak kung babalik sa Pilipinas si Sheynnis para sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2024 na mangyayari sa Mayo 22, 2024 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang predecessor ni Sheynnis na si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang ang host ng Miss Universe Philippines 2024 na lalahukan ng 53 kandidata.

Isasalin ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang kanyang korona sa mapalad na magwawagi at magiging kinatawan ng ating bansa sa 73rd Miss Universe na idaraos sa Mexico bago matapos ang taon.

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios is expected to arrive in the Philippines on May 1, 2024 as part of her Asian tour.
PHOTO/S: @missuniverse on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results