Ang Bantay-Bahay ang horror-comedy movie ng Regal Entertainment Inc.na magbubukas sa mga sinehan simula sa Miyerkules, Mayo 1.
Bida rito ang comedian na si Pepe Herrera.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na dumanas noon si Pepe ng depresyon kaya pansamantala siyang nawala sa showbiz.
May kinalaman ang mental health ni Pepe kaya sa ngayon, iniiwasan niyang tumanggap ng mga proyekto o pelikulang nakakatakot.
Read: Horror films tumatabo sa takilya sa Pilipinas
Diretsahang sabi ni Pepe, “I cannot do straight horror [projects]. Hindi ko kayang gumawa ng straight horror sa ngayon, to protect my mental state.
“Okay sa akin ang mga hybrid, horror comedy, action comedy. Basta may bahid ng comedy.”
Nakausap ng entertainment press si Pepe tungkol sa kanyang personal na buhay sa media conference ng Bantay-Bahay na ginanap sa 38 Valencia Events Place, Quezon City, ngayong Lunes ng tanghali, Abril 30, 2024.
Ang current FDCP Chair na si Joey Reyes ang sumulat ng kuwento at direktor ng Bantay-Bahay.
Nang isulat ni Joey ang Bantay-Bahay, si Pepe ang tanging nasa isip niyang bida. Kaya malaki ang pasasalamat ng komedyante na iniidolo nang husto ang pumanaw na King of Comedy na si Dolphy.
“I would just like to say that I’m very grateful. Kasi si Direk Joey, bukod sa naging kaibigan ko sa pelikulang ito, I can say without bias na yung sistema niya ang pinakamaganda na naranasan ko, hindi lang sa pandemic, outside pandemic,” saad ni Pepe.
“Nag-start kami ng [shooting] ng 10 a.m. lagi. Natatapos kami ng kung hindi 10 p.m., mas maaga pa.
"Sobrang smooth sa set niya. Sobrang ganda ng pre-production nila.
“I hope maraming productions ang mahawa or dumaan sa ganitong sistema kasi sa ginawa niya, we can say na kaya pala. Walang excuse.
"Kaya pala basta maganda yung pre-production, kaya I’m very grateful, nakatrabaho ko si Direk Joey at sana makatrabaho ko [siya] uli."
Read: Pepe Herrera posts emotional tribute to late movie queen Susan Roces
PEPE HERRERA ON THIRD EYE
Tungkol sa mga elementong naninirahan sa lumang bahay na binabantayan ni Caleb (pangalan ng karakter ni Pepe) ang kuwento ng Bantay-Bahay.
Sa tunay na buhay, naniniwala si Pepe sa mga elemento o unseen creatures dahil sa kanyang mga personal na karanasan.
Saad niya, “I can’t say that they’re supernatural but I believe in those unseen creatures. Na hindi lang tayo ang nakatira dito.
"As early as five years old, and I felt them so many times.
"Naniniwala ako na lahat tayo ipinanganak na bukas yung third eye natin. Sumasara lang siya eventually because of external factors.
“I have two kids at parehas silang tumatawa, ngumingiti kung saan-saan. May nakikita sila.
“I think sa panahon na ito, sa age na ito, it’s now backed up by science. I think ang tawag, metaphysical.”
Sinundan ito ni Pepe ng kuwento tungkol sa kanyang mga nakita noong bata pa siya.
“Yung ancestral house kasi namin sa Caloocan, malapit sa Monumento, I think 1950s pa siya. Medyo related din sa Bantay-Bahay, maraming nakatira na hindi namin nakikita.
“So, as early as five years old, may nagpakita sa akin na hindi ko masabi na maliit na bata pero maliit na creature.
“Meron kaming maliit na grotto. I thought may sakit lang ako pero it transformed into a little creature, posibleng duwende, and then it went on kahit pagtanda namin.
“Yung mga kapatid ko, kung hindi sila makakarinig or nakakakita.
“Nung ibinenta namin ang bahay, ipina-bless na lang namin. Mukha naman happy yung nakabili,” lahad ng aktor.