PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame Thanks GMA-7, Signs TV5 Contract

Willie Revillame, pumirma na ng kontrata para sa pagbabalik ng Wowowin sa TV5.
by Jojo Gabinete
Published Apr 26, 2024
willie revillame contract signing
Willie Revillame formally announces the return of his TV program Wowowin on TV5. It will be a partnership between MQuest Ventures and Willie's Goodwill Productions.

Inanunsiyo ng Wowowin host na si Willie Revillam ang partnership sa pagitan ng MQuest Ventures at ng Goodwill Productions nitong Biyernes ng hapon, Abril 26, 2024.

Ang pagpirma ng kontrata ng magkabilang-panig ang kumpirmasyong muling mapapanood sa TV5 ang Wowowin.

Read: Willie Revillame, kumpirmadong babalik sa TV5; Wowowin, eere pagkatapos ng Eat Bulaga!?

Ang MQuest Ventures ay kinatawan nina TV5 president at CEO Guido Zaballero at Mediaquest and Cignal TV president and CEO Jane Basas.

Si Willie naman ang CEO ng Goodwill Productions.

Ipinahayag ni Willie ang kagalakan sa kanyang muling pagbabalik sa TV5, na tahanan ng mga dating programa niya mula 2010 hanggang 2013—Willing Willie, Wil Time Bigtime, at Wowowillie.

WILLIE REVILLAME THANKS GMA-7

Hindi nakalimutan ni Willie na magbigay-pugay at magpasalamat sa GMA-7 nang magpirmahan sila ng kontrata ng executives ng TV5 at MQuest Ventures.

willie revillame contract signing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Willie Revillame with the executives of Mediaquest, Cignal TV, and TV5

Ang GMA-7 ang naging tahanan ni Willie at ng Wowowin mula 2015 hanggang 2022.

Read: Willie Revillame, GMA-7, maayos ang paghihiwalay

Pahayag niya, “Gusto ko rin magpasalamat sa GMA-7.

"Kasi ho noong umalis ako sa GMA-7, nagpunta ako sa ibang channel, may kontrata naman ako sa GMA-7, hindi naman ako inalis dun, hinintay ang desisyon ko.

“Kaya lang ho, siyempre may mga desisyon ako sa buhay ko na may utang na loob ka na gagawin mo."

Pagpapatuloy niya, “Alam ninyo ho, hindi nila [GMA-7] ipinagkait sa akin, hindi nila ipinagdamot sa akin yung 24 million subscribers ng Facebook at YouTube. Kaya sa puso ko, naging Kapuso naman ako.

"Maraming salamat sa GMA-7, kay Miss Annette [Gozon-Valdes], magkakasama naman tayo sa industriya, kay Atty. Felipe Gozon.

“Yung 24 million hanggang ngayon po, nasa akin.

"Ngayon, nandito na po sa TV5, sa Kapatid Network, so maraming salamat sa lahat ng subscribers—almost 17 million na yan sa Facebook. Almost 8 million na yan sa YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dadagdagan pa natin yan dahil siyempre, kasama na natin ang Cignal, kasama natin ang TV5, ang MediaQuest, ang lahat ng ito.”

WILLIE REVILLAME'S PROMISE

Nangako si Willie na ipagpapatuloy niya ang pagbibigay ng saya at pag-asa sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo.

Read: The many times Willie Revillame says goodbye to his own TV shows

“Again, this is only just the beginning, simula pa lamang ito. More than a year, wala ako [sa telebisyon].

“Maikuwento ko lang, noong 2010 hanggang 2013, may show ako dito [sa TV5] and then, two years akong napahinga.

“From 2015 to 2022, nasa GMA-7 ako. Now after more than one year, heto ho nagbabalik ako. No bitterness, no hatred in my heart.

"Marami nang nasabi na kung anu-ano pero sa akin ho, wala. Natural yon, kasama sa buhay yan.

"Basta pagdating ko dito, hindi ho para sa akin. Para sa mga kababayan natin na naghahanap ng saya, ligaya at pag-asa. Magiging parte po ako niyan dito sa TV5.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Again, hindi kami ang bida rito kundi kayo."

Malalaman sa mga susunod na araw ang petsa ng pagsisimula ng Wowowin sa TV5 at ang magiging studio ng top-rating game at public service show ni Willie, na inspiradong-inspirado at maraming plano para sa nalalapit na pagbabalik niya sa telebisyon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame formally announces the return of his TV program Wowowin on TV5. It will be a partnership between MQuest Ventures and Willie's Goodwill Productions.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results