PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bridgette de Joya, nilinaw ang kinasangkutang drug case noon

Bridgette de Joya, gustong makabalik sa showbiz kapag binigyan ng pagkakataon.
by Jojo Gabinete
Published Apr 25, 2024
bridgette de joya drug case
Former Seiko sexy star Bridgette de Joya: “If given the chance, I wish to have the privilege to work in showbiz again, kahit ekstra lang. I would be happy to take that opportunity again.”
PHOTO/S: Seiko Films / Courtesy of Bridgette de Joya

May paglilinaw ang dating Seiko Films sexy star na si Bridgette de Joya tungkol sa kasong illegal drugs na kanyang kinasangkutan at humantong sa pagkakaaresto niya noong Hunyo 2018 sa San Fernando, Pampanga.

Read: Former sexy star Bridgette de Joya arrested for illegal drugs

“I want to clear my name about that situation,” sabi ni Bridgette sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files.

“Napatunayan sa korte na ako ay walang kasalanan at acquitted ako sa case.

“Tanim-droga lang ang ginawa ng mga pulis upang pagkaperahan ako dahil ang akala nila, meron akong maibibigay sa kanila,” paglilinaw ni Bridgette.

Pinaratangan si Bridgette na may shabu sa kanyang pag-iingat nang dakpin siya ng mga pulis.

“Apat na taon akong nakulong dahil ipinaglaban ko ang kaso ko," saad niya.

"Ayokong umamin sa kasalanan na hindi ko naman ginawa kaya taas-noo akong haharap sa kahit sino dahil alam ng Diyos na wala akong kasalanan sa nangyari noon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makalaya mula sa bilangguan, naghanap ng trabaho si Bridgette at natanggap siya bilang security guard sa isang paaralan noong 2022.

“Nag-start ako as a lady guard noong October 27, 2022 after na makalaya ako noong April 29, 2022 mula sa Pampanga provincial jail,” sabi ni Bridgette.

Read: Bridgette de Joya: former Seiko sexy star is now a lady guard

BRIDGETTE DE JOYA ON SHOWBIZ COMEBACK

U.S. citizen si Bridgette dahil lumaki siya sa Amerika nang ampunin ng kanyang lola.

Dahil lehitimong mamamayan ng Amerika, sinabi ng Cabinet Files na baka puwedeng makagawa ng paraan si Bridgette para makabalik siya sa U.S. at makapagbagong-buhay.

Pero hindi raw siya interesado.

“Ayoko na po bumalik doon. Wala na po akong babalikan dun dahil wala na akong bahay doon,” katuwiran ni Bridgette dahil pumanaw na nga ang lola niyang inampon siya at nagdala sa kanya noon sa Amerika.

Aminado si Bridgette na kung bibigyan siya ng pagkakataon, gusto niyang bumalik sa pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If given the chance, I wish to have the privilege to work in showbiz again, kahit ekstra lang. I would be happy to take that opportunity again,” aniya.

Dumaan man siya sa maraming pagsubok at kahirapan, muling iginiit ni Bridgette na wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari sa buhay niya.

Aniya, “Life is about experience. Never let go even if it’s super hard na ng mga pagsubok na pinagdadaanan natin.

“Kapit lang dahil ang problema, hindi dapat problemahin. Hayaan mo na ang problema ang mamroblema sa sarili niya.

"Huwag magpapa-stress dahil si Lord ang tanging sandigan at kakampi natin, wala nang iba.

“Hindi tayo bibigyan ni Lord ng pagsubok na alam Niya na hindi natin kaya. Ibinibigay Niya ang pagsubok upang palakasin tayo sa buhay.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Seiko sexy star Bridgette de Joya: “If given the chance, I wish to have the privilege to work in showbiz again, kahit ekstra lang. I would be happy to take that opportunity again.”
PHOTO/S: Seiko Films / Courtesy of Bridgette de Joya
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results