PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu, um-attend sa premiere ng pelikula ni Paulo Avelino

Paulo Avelino, gustong ma-trap sa elevator kasama si Kim Chiu?
by Jojo Gabinete
Published Apr 23, 2024
kim chiu paulo avelino kylie verzosa movie
Kapamilya actress Kim Chiu (left) attends the premiere night of What's Wrong With Secretary Kim? leading man Paulo Avelino's latest movie, Elevator. Right photo: Paulo with Elevator leading lady Kylie Verzosa.
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

Ang pagdalo ni Kim Chiu ang added attraction sa red-carpet premiere ng Elevator sa Cinema 4 at Cinema 7 ng SM North Edsa Mall, Quezon City, ngayong Martes ng gabi, Abril 23, 2024.

Pinagkaguluhan si Kim ng mga tagahanga sa sorpresang pagsipot niya sa premiere night ng pelikulang pinagbibidahan ng nali-link sa kanyang si Paulo Avelino at ni Miss International 2016 Kylie Verzosa.

Ang suportang ipinakita ni Kim kay Paulo ang lalong nagpatibay sa hinalang totoo ang mga balitang nagkakamabutihan sila at hindi lamang para sa publicity ng mga teleseryeng tinatampukan nila.

Read: KimPau sweet moments sending fans into frenzied kilig

Pagkatapos ng matagumpay na pagtatambal sila sa Linlang, muling magkasama sina Kim at Paulo sa Viu series na What's Wrong With Secretary Kim?.

Lalong kinilig ang mga tagahanga nang batiin at halikan ni Paulo si Kim nang magkita sila sa loob ng sinehan.

Ang Elevator, na unang pelikulang pinagtambalan nina Paulo at Kylie, ay ipalalabas sa mga sinehan simula bukas, Abril 24, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paulo Avelino, pinatotohanan ang pagiging head-turner ni Kylie Verzosa

Sa ginanap na media conference ng Elevator noong Abril 5, 2024, nabanggit ang pangalan ni Kim dahil sa mga balitang nag-uugnay sa kanila ni Paulo.

Tinanong si Paulo kung sino ang gusto niyang makasama kapag hindi sinasadyang makulong siya sa elevator.

“Sino ba? Sino ba gusto ninyo? Si Kim, si Kimmy?” natatawang reaksiyon ni Paulo.

“Puwede. Puwedeng si Kim. Si Kimmy na lang kasi masaya naman siyang kasama.”

"Inspirational" at "feel-good movie" ang pagsasalarawan ni Paulo sa kuwento ng Elevator dahil ipinakita sa mga eksena ng pelikula ang uri ng pakikisalamuha ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa o OFWs sa iba’t ibang lahi.

“It's something that would inspire you not just for your career but also sa outlook mo in life,” sabi ni Paulo.

Sa Singapore kinunan ang mga eksena nina Paulo at Kylie para sa Elevator.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actress Kim Chiu (left) attends the premiere night of What's Wrong With Secretary Kim? leading man Paulo Avelino's latest movie, Elevator. Right photo: Paulo with Elevator leading lady Kylie Verzosa.
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results