PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards, nagbigay-pugay muli sa namayapang Jaclyn Jose

Alden, hindi nakausap ng media tungkol sa panliligaw umano niya kay Kathryn.
by Jojo Gabinete
Published Apr 19, 2024
alden andi jaclyn parangal ng sining
Alden Richards is the host of the 2nd Parangal ng Sining of FDCP, where late actress Jaclyn Jose (inset) was given a posthumous award, accepted by her daughter Andi Eigenmann (right).
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram

Tunay na naapektuhan si Alden Richards ng pagpanaw ni Jaclyn Jose noong Marso 2, 2024 dahil sa kanyang pagpapahalaga sa kanilang pagkakaibigan.

Matapos tanggapin ni Andi Eigenmann, ang panganay ng yumaong aktres, ang parangal para sa namayapa niyang ina, nagbigay rin ng maikling pananalita si Alden.

Saad ng Kapuso actor: “Congratulations sa ating Tita Jane.

"At tulad po ng marami dito, e, nakatrabaho ko rin po ng maraming beses ang nag-iisang Miss Jaclyn Jose.

"At Tita Jane, wherever you are, I hope you are happy.

"And may you rest in peace, Tita Jane. Hinding-hindi ka namin malilimutan.”

Si Alden Richards ang solo host ng 2nd Parangal ng Sining ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na ginanap sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City, ngayong Biyernes ng gabi, Abril 19, 2024.

Read: FDCP 2nd Parangal ng Sining, bubuhayin ang Golden Age of Philippine Cinema

Hindi nagkamali ang FDCP, sa pangunguna ni Chair Jose Javier Reyes, sa pagpili kay Alden bilang Master of Ceremonies dahil buong husay niyang ginampanan ang mga responsibilidad na ipinagkatiwala sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pumanaw na award-winning actress na si Jaclyn Jose ang isa sa mga ginawaran ng posthumous Honorary Distinction ng Parangal ng Sining dahil sa kanyang hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino bilang isang mahusay na aktres.

Ang Ilustrado (2014) at The World Between Us (2021) ang dalawa sa mga teleserye ng GMA-7 na pinagsamahan nina Alden at Jaclyn kaya naging malapit sila sa isa’t-isa.

Read: Alden Richards recalls Jaclyn Jose was unimpressed by his acting when they first met

Nakita namin ang pagmamahal ni Alden kay Jaclyn dahil habang nagsasalita at nagpapasalamat si Andi sa parangal na ipinagkaloob sa kanyang ina, magiliw na pinagmamasdan at pinakikinggan ng aktor ang lahat ng mga sinabi ni Andi.

Ang pagbibigay kay Jaclyn ng posthumous Honorary Distinction ang huling bahagi ng programa.

Nang matapos ito, umalis na si Alden kaya nabigo ang mga miyembro ng entertainment media na nagbakasakaling makapanayam siya tungkol sa balitang panunuyo o panliligaw niya kay Kathryn Bernardo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabigo man ang entertainment media makausap si Alden, nauunawaan nila ang desisyon ng aktor na umiwas muna sa pagpapainterbyu tungkol sa isang bahagi ng personal na buhay niya para hindi mabigyan ng ibang kahulugan ang kanyang intensiyon kay Kathryn.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards is the host of the 2nd Parangal ng Sining of FDCP, where late actress Jaclyn Jose (inset) was given a posthumous award, accepted by her daughter Andi Eigenmann (right).
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results