PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yuki Sakamoto, flattered kapag tinatawag na "Kuya Vivamax"

Yuki Sakamoto, inaming hindi madaling gumawa ng intimate scenes.
by Jojo Gabinete
Published Apr 17, 2024
yuki sakamoto vivamax
Vivamax sexy actor on shooting intimate scenes: “Sobrang hirap ng mga eksena dahil nagte-take pa ng ibang angles. Sa sobrang hirap, after namin matapos yung scene, dinner time, tulog ako. Hindi na ako nakakain ng dinner kasi sobrang pagod. Pagkatapos na pagkatapos ng eksena, humiga na ako sa sofa, natulog ako. Paggising ko, roll na uli.”
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram

Para sa It’s Showtime "Bidaman" finalist at singer-actor na si Yuki Sakamoto, nakatulong ang pagbibida niya sa sexy movies ng Vivamax dahil nadagdagan ang bilang ng mga nakakakilala sa kanya.

Read: Bidaman finalist Yuki Sakamoto willing to do frontal nudity

Si Yuki ang lead actor sa Wanted: Girlfriend, na streaming na ngayon sa Vivamax.

Diumano, napatunayan niyang kilala siya ng mga tao dahil sa kanyang mga pelikula sa Vivamax.

“Nakatulong pa nga siya kasi may nakapagsabi sa akin na ang nanonood ng Vivamax is 12 million na.

“So, every time na nag-a-out of town ako, nakikilala nila ako, ‘Ay, si Kuya Vivamax o!’

“Seryoso, si Kuya Vivamax [ang tawag nila sa akin],” kuwento ni Yuki nang humarap siya sa media conference ng Wanted: Girlfriend sa Viva Café, Quezon City, nitong Martes ng hapon, Abril 16, 2024.

Lahad pa niya, “Tapos, naka-experience na rin ako... festival ito. So, yung ibang crowd, nakainom na. Naglabas sila ng phone, ipinakita nila yung eksena ko sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi nila, ‘Kuya, ikaw ito, di ba?’ Naalaala ko pa, Lovely Ladies Dorm ang ipinakita nila sa akin.

"So, para sa akin, nakakatulong siya kasi nakikilala ako ng mga tao sa mga pinupuntahan ko na out-of-town shows.”

Imbes na mainsulto, ikinatutuwa pa niyang nadagdagan ang kanyang popularidad dahil sa Vivamax.

Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods

YUKI SAKAMOTO ON SHOOTING INTIMATE SCENES

Naranasan na ni Yuki na makatanggap ng mga indecent proposal noong binata pa siya dahil sa kanyang matapang na paghuhubad sa mga pelikulang erotiko.

“Before, yes, meron. Pero ngayon, wala, e.

"Feeling ko, takot sila sa asawa ko. Walang nag-o-offer sa akin nang ganoon,” sabi ni Yuki.

Pinatotohanan ni Yuki na hindi madali ang maghubad at gumawa ng mga mapupusok na eksena, base sa kanyang mga naranasan.

Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang hirap ng mga eksena dahil nagte-take pa ng ibang angles. Sa sobrang hirap, after namin matapos yung scene, dinner time, tulog ako.

“Hindi na ako nakakain ng dinner kasi sobrang pagod. Pagkatapos na pagkatapos ng eksena, humiga na ako sa sofa, natulog ako. Paggising ko, roll na uli.”

Nadadala o naaapektuhan ba siya ng mga mapupusok na eksenang ginagawa nila ng kanyang mga kapareha?

Sagot ni si Yuki, “Honestly, tinatanong din sa akin ng mga kaibigan ko. Pero kapag nasa shoot kayo, maraming tao.

“Naka-plaster kayo nang masakit. Sobrang shout out sa mga nagsusuot ng plaster. Sobrang masakit talaga. Swear, hindi siya biro.

“Isa yon sa mga factor kung bakit hindi kayo madadala sa mga eksena kasi masikip, e, hindi talaga siya magagalit talaga.”

Sex-starved o uhaw sa pakikipagtalik ang karakter na ginagampanan ni Yuki sa Wanted: Girlfriend.

YUKI SAKAMOTO ON SEX IN A RELATIONSHIP

Sa tunay na buhay, naniniwala siyang mahalaga ang sex sa isang relasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Importante talaga siya pero siyempre, lahat naman ng sobra, masama. So, okay siya para sa akin saka moderate lang. Huwag masyado, baka maubos,” paliwanag ni Yuki.

Hindi ipinagkaila ng Vivamax sexy actor na naging "experimental" na rin siya sa sex. Nangyari ito, for the thrill, sa isang pampublikong lugar.

“Nagawa ko na siya in public. Once sa beach, 4:30 ng hapon, kasi may isang part ng beach na kailangan mo siyang lakarin nang konti.

“May mga nakaharang na bato then may lugar na may buhangin, dun kami. Kahit may mga dumadaan na speedboat, hindi naman nila kami kilala.

“For the thrill, nakakadagdag siya ng happiness sa partner kung mag-e-explore kayo at yung meron kang feeling na mahuhuli ka, masarap sa feeling para sa akin.”

Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vivamax sexy actor on shooting intimate scenes: “Sobrang hirap ng mga eksena dahil nagte-take pa ng ibang angles. Sa sobrang hirap, after namin matapos yung scene, dinner time, tulog ako. Hindi na ako nakakain ng dinner kasi sobrang pagod. Pagkatapos na pagkatapos ng eksena, humiga na ako sa sofa, natulog ako. Paggising ko, roll na uli.”
PHOTO/S: @vivamaxph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results