Si Sophia Nicole Arkanghel ng Kalayaan, Laguna, ang nagwaging Miss International Queen Philippines 2024.
Ginanap ang grand coronation sa Aliw Theater, Pasay City, noong Linggo ng gabi, Abril 14, 2024.
Tinalo ni Arkanghel ang 32 opisyal na kandidata sa patimpalak-kagandahan para sa transgender women.
Naghakot din siya ng special awards, kabilang ang best in long gown at best in swimsuit.
First runner-up sa Miss International Queen Philippines 2024 si Nina Marie Similatan ng Davao Oriental, second runner-up si Julian Concepcion ng Maynila, third runner-up si Sheila Magpale ng Koronadal City, at fourth runner-up si Mikay Bautista ng Bulacan.
Ang tagumpay ni Sophia Nicole sa Miss International Queen Philippines 2024 ang katuparan ng kanyang pangarap na maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen 2024 na magaganap sa Tiffany’s Show, Pattaya, Thailand, sa Agosto 25, 2024.
Unang sumali si Sophia Nicole sa Miss International Queen Philippines noong 2023, pero hindi siya pinalad na magwagi dahil si Lars Pacheco ang nanalo.
Read: Lars Pacheco wins Miss International Queen Philippines 2023
Malaking pagsubok ang naghihintay kay Sophia Nicole bilang opisyal na kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Queen 2024 dahil ang 29-year-old Filipino-American transgender beauty queen na si Kataluna Patricia Enriquez ang isa sa mahigpit na makakalaban niya.
Si Kataluna ang kauna-unahang Filipino-American transgender woman na kinoronahang Miss Nevada USA noong 2021 at naging official delegate ng State of Nevada sa 70th Miss USA noong 2021.
Read: Fil-Am trans woman Kataluna Enriquez kinoronahang Miss Nevada 2021
Hindi man naging masuwerte, parang nanalo na rin si Kataluna sa Miss USA 2021 dahil sa natanggap niyang atensiyon at mga libreng publicity na kanyang nakuha.
Hindi baguhan si Kataluna sa pagsali sa mga beauty pageant para sa transgender women dahil noong May 2018, siya ang kinatawan ng Amerika sa Super Sireyna Worldwide ng Eat Bulaga!.
Read: Eat Bulaga, kinilala ang tagumpay ni Kataluna Enriquez sa Miss Nevada 2021