PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JM de Guzman, kabado sa bagong tambalan nila ni Lovi Poe

JM de Guzman inamin na "na-hurt" sa mga batikos sa kanyang pag-arte
by Jojo Gabinete
Published Apr 14, 2024
JM de Guzman and Lovi Poe
JM de Guzman, aminadong kabado sa papel niya bilang abogado sa pelikula nila ni Lovi Poe. Naalala niya kung gaano katindi ang batikos sa kanya nang gumanap siyang abogado sa Linlang.

Abogado ang karakter na bibigyang-buhay ni JM De Guzman sa Guilty Pleasure ng Regal Entertainment Inc.

Read: JM de Guzman reflects on how he handled past heartbreak: "Self-destruct kasi bata pa ako nun."

At kahit nagampanan na niya ang nabanggit na role sa drama series na Linlang, naghahanda pa rin siya para hindi na makaranas ng mga batikos.

Si JM ang isa sa mga kapareha ni Lovi Poe sa Guilty Pleasure.

Sa media conference na ginanap nitong Sabadong ng hapon, Abril 13, 2024, sa Valencia office ng Regal, ibinahagi ni JM ang karanasan na nakasakit sa kanyang damdamin.

"Nahirapan ako sa Linlang. Actually, may nang-bash nga sa akin na hindi raw sila naniniwala na lawyer ako sa Linlang so na-hurt ako," ang rebelasyon ni JM.

"Ngayon, nag-o-observe ako. May mga kinausap din po ako na mga lawyer nung wake ng lola ko," ang lahad ni JM na nagpaturo sa kanyang mga nakausap tungkol sa wastong pagsasalita at pagkilos ng mga abogado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Idinagdag din niya na nanonood siya ng mga video para sa papel niya sa Guilty Pleasure.

Nangako si JM na ibibigay nito ang lahat ng nalalaman sa pag-arte sa pelikula na pagsasamahan nila nina Lovi at Jameson Blake na nagbibigay sa kanya ng matinding kaba.

"Walang limitasyon. I will do my best, pero kinakabahan ako," pag-amin ni JM.

"Usually yung first day talagang hindi ako nakakatulog sa shoot dahil sa sobrang kaba ko po.

"Kinakabahan po talaga ako in general—sa pressure, kung paano po ang gagawin ko. Andiyan naman po si Direk, ang mga co-cast member, so dun na lang po ako kumakapit at kay Lord na sana mabigyan ko po ng hustisya."

Ang tinukoy niyang direktor ng pelikula ay si Connie Macatuno.

Nang tanungin tungkol sa kanyang guilty pleasure, "alak" ang sagot ni JM.

Sinundan niya ito ng biro, na dahilan para matawa ang mga dumalo sa media conference ng Guilty Pleasure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alak din saka yung ano… joke lang. Tapos na ako doon," hirit na pahayag ni JM, na bukas na aklat sa publiko ang kuwento ng buhay dahil hindi niya inililihim na nalulong siya noon sa masamang bisyo.

Read: PEP CONFESSIONS: JM de Guzman opens up about personal struggles inside rehab center

Nagagawa na ni JM na talikuran ang kanyang guilty pleasure dahil iniisip niya muna ang magiging epekto kung magpapatangay siya sa mga tukso.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JM de Guzman, aminadong kabado sa papel niya bilang abogado sa pelikula nila ni Lovi Poe. Naalala niya kung gaano katindi ang batikos sa kanya nang gumanap siyang abogado sa Linlang.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results