PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

EXO member Baekhyun, pinipilahan ang concert sa Big Dome

Anong kanta ang inaabangan mo sa concert ni Baekhyun?
by Jojo Gabinete
Published Apr 13, 2024
Baekhyun concert in Manila
South Korean singer Baekhyun, nasa Pilipinas para sa kanyang Lonsdaleite concert, na gaganapin sa Araneta Coliseum, ngayong gabi, April 13, 2024.
PHOTO/S: Jojo Gabinete

Ang mala-piyestang kapaligiran sa Smart Araneta Coliseum ngayong Sabado ng hapon, Abril 13, 2024 ang matibay na patunay ng malakas na hatak sa Filipino fans ng 31-year-old South Korean singer at aktor na si Baekhyun.

Read: Complete guide to Baekhyun, Somi, B.I's OVERPASS: K-Pop Music Concert 2023

Nakatakdang itanghal ni Baekhyun ngayong Sabado, 5:30 p.m., ang Lonsdaleite, ang kanyang concert tour, kaya umaga pa lang, nagtipun-tipon na sa paligid ng Big Dome ang mga tagahanga na Pilipino.

Kulay puti ang karamihan sa mga suot na pang-itaas ng Pinoy fans bilang pagpapakita ng suporta sa kanilang iniidolo na South Korean celebrity.

As of 2 p.m., mahaba pa rin ang pila sa box office ng Smart Araneta Coliseum dahil sa fans ni Baekhyun na bumibili ng tickets.

Nakasalampak naman sa sahig ang mga tagahangang matiyagang hinihintay ang pagbubukas ng mga gate ng Big Dome dahil sa kanilang maaga na pagdating sa concert venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-display sa red gate entrance ng Big Dome ang giant billboard ni Baekhyun na pinipilahan ng mga nagpapakuha ng litrato na kanya-kanya ng eksena.

May fan si Baekhyun na nagpakuha ng larawan na nakaluhod at ipinakita na parang dinadasalan niya ang kanyang kinababaliwang South Korean star, samantalang may mga bitbit na glow in the dark light sticks ang ilan sa mga tagahanga niya.

Si Baekhyun ang itinuturing na pinakasikat sa mga miyembro ng EXO, at Lonsdaleite ang pamagat ng kanyang Asia tour.

May 22.1 million followers si Baekhyun sa Instagram at lonsdaleite ang tawag sa hexagonal diamond na kakaiba ang hugis kaya ito ang pinili niya na pamagat ng kanyang concert.

Inumpisahan ni Baekhyun ang Lonsdaleite sa pamamagitan ng dalawang magkasunod na gabing concert sa Seoul noong Marso 16 at Marso 17, 2024.

Ang Maynila ang ika-limang lungsod sa Asia na pagtatanghalan ng Lonsdaleite, na magwawakas sa dalawang gabi na concert ni Baekhyun sa Bangkok, Thailand sa Hunyo 15 at Hunyo 16, 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean singer Baekhyun, nasa Pilipinas para sa kanyang Lonsdaleite concert, na gaganapin sa Araneta Coliseum, ngayong gabi, April 13, 2024.
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results