PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Spoken poetry ni Vice Ganda sa It's Showtime, may pinaggayahan?

Spoken poetry ni Vice Ganda sa It's Showtime, kinopya kay Darryl Yap?
by Jojo Gabinete
Published Apr 8, 2024
vice ganda darryl yap spoken poetry
Netizens compare the spoken poetry of Vice Ganda (left) on It's Showtime last Saturday, April 6, 2024 to "Buo" monologue of film director Darryl Yap (right) in 2020.
PHOTO/S: Sany Chua / @viva_films on Instagram

Tatlong araw nang hindi aktibo sa social media ang controversial director na si Darryl Yap.

Bukod sa nagbabakasyon ito, abala siya sa pagsusulat ng script para sa bagong proyekto niyang follow-up sa Seoulmeyt, ang pelikulang pinagbibidahan nina Jerald Napoles at Kim Molina na ipalalabas sa mga sinehan simula sa Mayo 15, 2024.

Inabala namin ang pagbabakasyon ni Darryl ngayong Lunes ng umaga, Abril 8, 2024, para hingin ang kanyang reaksiyon tungkol sa obserbasyon ng ilang netizens na tila kinopya ni Vice Ganda sa spoken word poetry nito sa It’s Showtime noong Sabado, Abril 6, ang monologue ng direktor noong Abril 2020 na may pamagat na "Buo."

Read: It's Showtime first airing on GMA-7 trends on X; here are the highlights!

At dahil abala nga si Darryl sa script na ginagawa nito, hindi pa raw niya napapanood ang pinag-uusapang spoken word poetry ni Vice, na ikinukumpara sa "Buo."

Parehong mahigit sa tatlong minuto ang haba ng spoken poetry ni Darryl at monologue ni Darryl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko pa po napapanood ang monologue niya. I’m on vacation, writing a script,” sabi ni Darryl sa Cabinet Files.

“First thought, feeling ko po, hindi naman magagawa ni Vice yon.

"Saka may writers siya, baka hindi lang nag-ingat."

Tungkol sa kanyang mga pangarap na inabot at pinagtagumpayan ang spoken word poetry ni Vice na binigkas nito sa pagdiriwang ng ika-48 kaarawan niya sa It’s Showtime noong Sabado.

Bahagi nito: “Sino ba ang makapagsasabing aabot ako sa kinatatayuan kong ito? Isang pambihirang posisyon.

“Paano ba ako napunta dito? Simple lang ang sagot ko, nandidito ako dahil nangarap ako. Kumilos ako, nanalig ako.

“Natalo. Nanalo. Natalo. At muling nanalo.

“At masakit man sa kalooban ng ilan, hanggang ngayon, nananalo pa rin ako.”

Samantala, tungkol din sa mga pangarap at tagumpay ang spoken word poetry ni Darryl na inihahalintulad sa mga salitang binigkas ni Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens compare the spoken poetry of Vice Ganda (left) on It's Showtime last Saturday, April 6, 2024 to "Buo" monologue of film director Darryl Yap (right) in 2020.
PHOTO/S: Sany Chua / @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results