PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heat index, umabot ng hanggang 44 C sa ilang lugar sa Pilipinas

Supreme Court, inaprubahan ang flexible work arrangement.
by Jojo Gabinete
Published Apr 4, 2024
heat index
Ang nakababahalang init ng panahon sa Pilipinas na epekto ng tag-araw — na opisyal na idineklara ng PAGASA noong Marso 22, 2024 — ang dahilan kaya sinuspinde ang mga klase sa iba’t ibang panig ng bansa mula Abril 1 hanggang Abril 3, 2024.
PHOTO/S: <a href="https://www.freepik.com/free-vector/flat-summer-heat-illustration-with-man-sweating-sun_27432014.htm#fromView=search&page=1&position=0&uuid=03f2e2d2-71d1-41bc-bd3f-80f8c515e372">Image by freepik</a>

Naranasan ang pinakamainit na panahon sa Tuguegarao City, Cagayan at Catarman, Northern Samar ngayong Huwebes, Abril 4, 2024.

Umabot sa 44 degrees Celcius ang heat index na itinuturing na mapanganib.

Mainit at maalinsangang panahon din ang naranasan sa Aparri, Cagayan; Dagupan City; San Jose, Occidental Mindoro; at Aborlan, Palawan dahil sa 42 degrees Celsius na heat index.

Read: Ang init! Heto ang mga lugar na nagtala ng mataas na heat index

Ang nakababahalang init ng panahon sa Pilipinas na epekto ng tag-araw — na opisyal na idineklara ng PAGASA noong Marso 22, 2024 — ang dahilan kaya sinuspinde ang mga klase sa iba’t ibang panig ng bansa mula Abril 1 hanggang Abril 3, 2024.

Sa Metro Manila, ang pamahalaan ng Pasay City ang unang nagsuspinde ng face-to-face classes sa lahat ng antas noong Miyerkules, Abril 3.

Ito ay dahil sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction Management Office para mapangalagaan ang kalusugan ng mga kabataan laban sa heat stroke.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Paalala ni Kim Atienza about "50 degrees celsius," nagmistulang "prank" dahil umulan

Sa tala ng Department of Education, mahigit sa 1.3 million ang bilang ng mga mag-aaral mula sa halos apat na libong paaralan sa buong bansa ang apektado ng suspensiyon ng face-to-face classes dahil sa nagbabagang panahon.

Ngayong Huwebes, Abril 4, inaprubahan ng Korte Suprema ng Pilipinas ang flexible work arrangement para sa lahat ng mga hukom at tauhan ng trial court, mula Abril 5 hanggang Mayo 31, 2024, dahil sa kalagayan ng panahon.

Nakasaad sa inilabas na circular ng Korte Suprema na nilagdaan ni Court Administrator Raul Villanueva, “Per the authority granted by the Honorable Chief Justice Alexander G. Gesmundo, taking into account the dangerous heat indices experienced in recent days as reported by the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration [PAGASA], which may be expected to persist for some time, all trial judges and court personnel is allowed to observe a flexible work arrangement.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Thus, working hours or court operations on 5 April 2024 to 31 May 2024 shall be from 7:30 am to 4:00 pm, to prevent health complications that may be caused by the extreme heat and weather conditions.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang nakababahalang init ng panahon sa Pilipinas na epekto ng tag-araw — na opisyal na idineklara ng PAGASA noong Marso 22, 2024 — ang dahilan kaya sinuspinde ang mga klase sa iba’t ibang panig ng bansa mula Abril 1 hanggang Abril 3, 2024.
PHOTO/S: <a href="https://www.freepik.com/free-vector/flat-summer-heat-illustration-with-man-sweating-sun_27432014.htm#fromView=search&page=1&position=0&uuid=03f2e2d2-71d1-41bc-bd3f-80f8c515e372">Image by freepik</a>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results