PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ariadna Gutierrez, tinawag na "bruja" si Olivia Jordan

Ariadna Gutierrez, hindi pa nakaka-move on sa Miss Universe 2015 controversy.
by Jojo Gabinete
Published Apr 1, 2024
ariadna gutierrez olivia jordan miss universe 2015
Miss Universe 2015 first runner-up Ariadna Gutierrez (left) of Colombia left scathing remarks about Miss Universe 2015 second runner-up Olivia Jordan while she was inside the reality show La Casa De Los Famosos.
PHOTO/S: @gutierrezary / @theoliviajordan on Instagram

Halos siyam na taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ng kanyang first runner-up na si Ariadna Gutierrez ng Colombia.

Pero hanggang ngayon, may mga isyung tila kinikimkim pa rin ng Colombian beauty queen.

Read: Ariadna Gutierrez claims controversial comment about Pia Wurtzbach was "misunderstood"

Isa si Ariadna sa mga housemate ng Season 4 ng reality show na La Casa De Los Famosos (House of Celebrities), na halos katulad ng Pinoy Big Brother.

Nag-umpisa itong umere noong Enero 23, 2024 at napapanood hanggang ngayon sa Telemundo, ang American-Spanish language network ng NBC Universal.

Sa isang kabanata ng programa, nagsalita si Ariadna na "very bad" sa Miss Universe 2015 si Olivia Jordan ng USA.

Inilarawan din niya si Olivia bilang "bruja" o witch habang nakikipagkuwentuhan siya sa ibang mga housemate ng reality series na kanyang kinabibilangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Olivia ang second runner-up sa Miss Universe 2015 na idinaos sa Las Vegas noong Disyembre 20, 2015.

Read: Miss USA gets bashed on social media for her reaction to Miss Universe blunder

Isa siya sa mga naging malapit na kaibigan ni Pia.

Hindi malilimutan ng mga Pilipino ang suportang ibinigay ni Olivia kay Pia nang sabihin ng pageant host na si Steve Harvey na ang Filipino delegate ang tunay na nanalong Miss Universe at first runner-up lamang si Ariadna.

Inamin ni Steve na nagkamali siya ng pagbasa sa kanyang hawak na cue card.

Read: Steve Harvey on Miss Universe 2015 blunder: "It was four minutes of pure hell!"

miss universe 2015

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa sumasagot si Olivia tungkol sa mga negatibong komento ni Ariadna laban sa kanya, pero tiyak na nakarating na sa kaalaman niya ang mga maaanghang na pahayag ng Colombian beauty queen dahil sa mga komento sa kanyang social media accounts.

May mga netizen na nagtatanggol kay Olivia, pero may mga tagasuporta si Ariadna na binabatikos ang American beauty queen dahil sa isang lumang isyu na muling naungkat.

Nakahanda naman ang mga Pilipino sa pagtatanggol kay Pia kung sakaling magsalita si Ariadna laban sa kanya.

Ipinakita ni Pia ang suporta kay Ariadna nang sumali ito sa La Casa De Los Famosos.

Kamakailan, hiningi ni Pia ang tulong ng ating mga kababayan para hindi mapatalsik mula sa nasabing reality show ang kanyang batchmate sa Miss Universe 2015.

Sinabi ni Pia sa kanyang broadcast channel, “[By the way], wanted to talk about something with you guys. I need your help with this. So Ariadna is in a competition right now. It’s called La Casa De Los Famosos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“She’s up for elimination this week. [Voting] is free and can be done anywhere in the world.

"Gusto ko siyang tulungan. Kaya niyang ipanalo ito, e. Pakita natin sa kanya that we support her.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 first runner-up Ariadna Gutierrez (left) of Colombia left scathing remarks about Miss Universe 2015 second runner-up Olivia Jordan while she was inside the reality show La Casa De Los Famosos.
PHOTO/S: @gutierrezary / @theoliviajordan on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results