Ang Momoland member na si Nancy McDonie ang K-pop idol na nakatakdang pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network Inc.
Mabilis na nahulaan ng K-pop Filipino fans ang katauhan ng K-pop idol sa Easter Sunday media post ng Sparkle GMA Artist Center tungkol sa personalidad na “From South Korea to the Philippines.”
May caption itong “Sparkle is about to get a whole light brighter with this K-pop idol joining its roster of powerhouse and diverse talents.”
Read: James Reid asked about video showing him hugging Nancy McDonie of Momoland
View this post on Instagram
May mga nag-isip na si Sandara Park at Chanty ang mga K-pop idol na tinutukoy sa Easter Sunday post ng Sparkle.
Pero mas marami ang naniniwalang si Nancy ang pinahuhulaan na Korean singer na karagdagan sa listahan ng mga contract star ng talent management agency ng Kapuso Network.
Mali ang mga akala na si Chanty ang pipirma ng kontrata sa Sparkle dahil contract artist na siya ng naturang talent management agency mula pa noong Disyembre 2022.
Miyembro si Chanty ng Korean pop girl group na Lapillus pero Pilipino ang kanyang ina at Argentine ang tatay niya.
American naman ang ama at Korean ang nanay ni Nancy.
Makalipas ang ilang oras ay pormal nang winelcome ng Sparkle si Nancy sa pamamagitan ng social media.
View this post on Instagram
Hinihintay na ang pagbisita ni Nancy sa Pilipinas para sa pormal na pagpirma niya ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center.
Isa si Nancy sa mga sikat na miyembro ng Momoland at popular siya sa K-Pop Filipino fans.