Mag-uumpisa sa Abril 6, 2024, Saturday, ang live telecast ng It’s Showtime sa GMA-7.
Sa Abril 8, Lunes, naman muling mapapanood ang piling hosts ng programa sa Family Feud, ang top-rating game show ni Dingdong Dantes sa Kapuso Network.
Read: Vice Ganda calls airing of It's Showtime on GMA-7 "historic, iconic, mothering"
Nag-taping noong Sabado, Marso 23, ang It’s Showtime hosts para sa Family Feud, pagkatapos ng live broadcast ng kanilang noontime program na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z at GTV, ang sister channel ng GMA-7.
Sina Jhong Hilario, Jugs Jugueta, at Amy Perez ang mga miyembro ng Team Vice Ganda.
Kalaban nila sina Vhong Navarro, Teddy Corpuz at Ogie Alcasid ng Team Anne Curtis.
Ang guesting nila sa Family Feud ang unang pagkakataong mapapanood sina Ogie at Vice sa isang programa ng GMA-7 mula nang maging mga contract star sila ng ABS-CBN.
Read: What October 17 means to Kapamilya stars Ogie Alcasid, Regine Velasquez
FORMER KAPUSO TURNED KAPAMILYA
Naging bahagi ng buhay ni Vice ang GMA-7 noong struggling actor pa lamang siya dahil sa paglabas niya sa mga programa na SOP (1996) at Comedy Central Market (1999) samantalang labingwalong taon na Kapuso si Ogie bago ito lumipat sa TV5 noong 2013.
Read: Vice Ganda recalls past doing GMA-7 shows: “Napakalaking achievement sa akin non dati.”
Nag-umpisa rin ang television career ni Anne sa GMA-7 noong 1997 hanggang lumipat siya sa ABS-CBN noong 2004.
Kahit kilala si Amy na Kapamilya star, nasubukan niya na lumabas sa mga programa ng GMA-7.
Ang Habang Kapiling Ka, Ikaw sa Puso Ko at Leya, Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa ang ilan sa mga proyekto noon ni Amy sa GMA-7 bago siya bumalik sa ABS-CBN noong 2006.
Kapwa nagpahayag ng kagalakan sina Vice, Anne, Amy at Ogie dahil mapapanood na rin sa GMA-7 ang kanilang noontime variety show.
NEW CHAPTER FOR IT'S SHOWTIME
Sa panayam kay Anne sa contract signing sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7 noong nakaraang Miyerkules, Marso 20, sinabi niya, “It’s so surreal. Parang never in my personal wildest dream inakala ko na mangyayari ito. Nakakaiyak naman kasi talaga.
“Each year is a new chapter, and, right now, this moment is a new chapter so for us, we’ll be able to bring something new to the table in this new chapter, all the time. Maaasahan ng madlang Kapuso iyan.”