"Nakiramay ka ba nang mamatay si Jaclyn Jose?" ang diretsahang tanong kay Albie Casiño nang dumalo ito sa media conference ng pelikulang Kasalo na nangyari ngayong Sabado ng hapon, Marso 23, 2024 sa Viva Café, Cubao, Quezon City.
Tinanong si Albie tungkol kay Jaclyn dahil ito ang ina ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.
"Unang-una, I just wanna say rest in peace Ms. Jane saka condolences sa lahat ng tao na nagmamahal sa kanya pero hindi naman ako apektado dun,” ang sabi ni Albie.
Ang matapat pa niyang pahayag: "I don’t think my presence would be welcome there so ba’t ako makikiramay, di ba?”
Masalimuot ang relasyon noon ni Andi kay Albie na napagbintangan na ama ng kanyang anak na si Ellie hanggang lumitaw ang katotohanan na si Jake Ejercito ang biological father ng panganay ng aktres.
Read:
Jaclyn Jose slams Albie Casiño for his tirades against her daughter Andi Eigenmann
Ang Kasalo ang sexy drama movie na pinagbibidahan ni Albie at mapapanood sa Vivamax simula sa Marso 26, 2024.
Tungkol sa karanasan ng mga pasahero ng ride-hailing company mobile app na Kasalo ang pangalan ang kuwento ng pelikula na pinangungunahan ni Albie at ng baguhang sexy star na si Vern Kaye.
Sa tunay na buhay, sumasakay si Albie sa Grab, isang ride-hailing company at may inilahad siya tungkol sa kanyang karanasan.
"Ako recently, hindi naman siya bad experience pero different experience lang. I think galing pa ako dito sa Viva Café tapos tumawag yung girlfriend ng Grab driver.
"Parang yung workplace ng girlfriend niya, malapit sa bahay ko. Tinanong niya ako kung puwedeng daanan ang girlfriend niya bago ako umuwi.
“Okay lang naman sa akin pero yun pala, fan yung girlfriend niya ng Can’t Buy Me Love
“Hindi ako kilala ng Grab driver kaya rin ako pumayag kasi alam mo yung na-sense ko na hindi ako kilala ni idol.
“So sabi ko, go lang kuya. Semi-kalmado lang ako, nakahiga ako sa back with the airpods.
“Tapos, biglang pumasok si ate, pagkaupo niya, gumanoon siya [napaigtad], ‘Artista ‘yan. Artista ‘yan!’
“Oh no, kilala ako ni ate. Sumilip siya, sabi niya, ’Pa-picture.’
“Sabi ko, sige boss, pagbaba ko,” ang salaysay ni Albie na tinupad ang selfie photo na kahilingan ng girlfriend ng driver ng Grab vehicle na kanyang sinakyan.