Apat na taon na ang nakararaan buhat nang ipagtapat ni Jamie Evangelista na dalawa na ang kanyang anak nang magkaroon sila ni Baron Geisler ng relasyon pero hindi naging hadlang ang nakaraan niya sa kanilang pagmamahalan.

(Baron Geisler with wife Jamie Evangelista)
“It was never an issue.
“I was always honest with him that I was in a relationship before.
“We all have a past and I did accept him for his past and I told him it’s a privilege for you if you get to know my kids,” ang rebelasyon ni Jamie tungkol sa pagiging single parent niya sa magkasama na guesting nila noon ni Baron sa Magandang Buhay, ang morning program ng ABS-CBN.
Nang pakasalan ni Baron si Jamie sa isang civil ceremony noong Setyembre 2019, nagkaroon siya ng blended family na maganda ang naging epekto sa kanya at ito ang ipinagtapat niya sa presscon ng Dearly Beloved.
“Dahil sa set-up nitong blended family, mas naging mature ako na tao ‘coz it takes a lot of maturity to understand her past,” lahad ni Baron sa naganap na media conference ng Dearly Beloved, ang pelikulang pinagtatambalan nila ni Cristine Reyes.

(Baron Geisler with Dearly Beloved co-star Cristine Reyes)
Tungkol sa blended family ang kuwento ng pelikula kaya naka-relate siya nang husto sa karakter na kanyang ginampanan.
“Of course, our mission and vision’s not only for the kids but also for our love. Saan ba papunta yung relationship namin?” ang pagpapatuloy ng pagpapaliwanag ni Baron tungkol sa sitwasyon na kinasasangkutan niya.
“And yung feeling of security na kahit na anong mangyari, knowing her past, and she knows mine, importante na we both respect each other as individuals and gaya nang sinabi ni Cristine, stumble forward and be prepared.
“Kasi ang dami, ang daming obstacles din in life. It’s not all flowers.
“Magpa-five years na kaming married ng wife ko. Five years, that’s my longest relationship. Six years and a half na kami, five years married.
“Ang dami ko ring natutunan sa partner ko,” ang sabi ni Baron na sinundan nito ng pasasalamat kay Jamie na kasama niya na dumalo sa media conference ng proyekto nila ni Cristine na mapapanood sa mga sinehan simula sa Marso 30, 2024.