Naaksidente ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Inday Barretto dahil nahulog ito mula sa escalator ng isang shopping mall sa Taguig City.
Sa pamamagitan ng social media post, humingi ng panalangin para sa kanilang ina ang kapatid na lalaki ng tatlong aktres na si JJ Barretto.
Read: Claudine Barretto and brother Jay-Jay also celebrate mom Inday’s 87th birthday; where is Gretchen?
Hindi nabigo si JJ dahil bumuhos ang panalangin para sa kanilang ina, na kilala sa showbiz sa tawag na Mommy Inday, na 87 anyos na.
“Please send prayers for my mom,” pakiusap ni JJ tungkol sa aksidenteng nangyari kay Mommy Inday.
Read: Marjorie Barretto posts photos from mom Inday Barretto's 87th birthday celebration
View this post on Instagram
Nakaratay sa kasalukuyan si Mommy Inday sa isang ospital sa Taguig City.
Noong Linggo, Marso 10, 2024, ibinahagi ni JJ ang larawan ng kanilang ina na may mga galos sa braso na resulta ng pagkahulog mula sa escalator.
“She fell halfway from the escalator in a mall. So much pain, keeps crying," sagot ni JJ sa mga nangumusta at nagpakita ng malasakit sa kalagayan ni Mommy Inday.
Ngayong Lunes nang gabi, Marso 11, 2024, muling nagbahagi si JJ ng litrato ng kanyang ina na may hawak na cellphone at tila maayos na ang kalagayan.
Kasama nila ng ina ang mga kapatid ni JJ na sina Mito at Michelle Barretto.
View this post on Instagram
Ang aksidenteng naranasan ng Barretto matriarch ang paalaala sa lahat na maging maingat sa pagsakay sa escalator, lalo na ang mga senior citizen na nawawalan ng balanse ang katawan dahil na rin sa kanilang mga edad.
Related Stories:
- Claudine Barretto reveals scuffle at the wake with sister Marjorie, niece Julia
- Marjorie Barretto finally speaks up about altercation with Gretchen at their father's wake
- Claudine Barretto posts photo, video with Mommy Inday, sister Gretchen
- Gretchen, Marjorie Barretto trade barbs anew on Instagram
- Gretchen Barretto on fixing relationship with sister Marjorie: "Never."